Julia Barretto on ex-boyfriend Joshua Garcia: "I will love that guy until my last breath."

by Arniel C. Serato
Aug 16, 2019
Julia Barretto on ex-boyfriend Joshua Garcia: "Whatever happens in life, the guy knows me really well. He knows my heart.”
PHOTO/S: Shaira Luna / Noel Orsal

Ayon kay Julia Barretto, mahal pa rin niya si Joshua Garcia kahit wala na sila.

Ito ang sinabi ng Kapamilya actress sa video interview sa kanya ng ABS-CBN Hollywood correspondent Yong Chavez sa backstage ng ASAP Natin ‘To Bay Area, sa San Jose, California, noong August 3 (U.S. time).

Pinag-uusapan ngayon ng netizens ang interbyung ito ni Julia na lumabas sa Twitter kagabi, August 15.

Pahayag ng 22-year-old actress, “I love Joshua. I love that guy.

"I will love that guy until my last breath.”

Bakit niya nasabi ang mga ito tungkol sa dating karelasyon?

Tugon ni Julia, “Very supportive and very understanding of so many things, and the guy knows me really well.

“So whatever happens in life, the guy knows me really well.

“He knows my heart.”

THE JULIA-JOSHUA RELATIONSHIP

Noong Hunyo 2019, inamin nina Julia at Joshua na may pinagdadaanan ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Napagdesisyunan din daw nilang bumalik muna pagiging “bestest of friends.

Pero sa pagkakadawit ng pangalan ni Julia sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson, inamin na mismo ni Julia noong August 6 na apat na buwan na silang hiwalay ni Joshua.

Kung bibilangin mula buwan ng Agosto pabalik, Mayo pa lang ay hiwalay na sina Julia at Joshua.

Ito ay sa kabila na noon lang April 2019 sila umamin tungkol sa kanilang relasyon.

Si Julia ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Hong Kong kasama ang mga kaibigan.

Si Joshua ay abala naman sa bagong Kapamilya teleserye na The Killer Bride.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on ex-boyfriend Joshua Garcia: "Whatever happens in life, the guy knows me really well. He knows my heart.”
PHOTO/S: Shaira Luna / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results