Senator Manny Pacquiao busy preparing for first major concert; wants another term in Senate

by Jet Hitosis
Aug 16, 2019
After his victorious title bout against American boxer Keith Thurman last month, Senator Manny Pacquiao is now busy preparing for his first major concert next month.
PHOTO/S: mannypacquiao on Instagram

Busy ngayon si Senator Manny Pacquiao sa rehearsals para sa kanyang first major concert sa September 1.

Sa kanyang Instagram Stories nitong Huwebes ng gabi, August 15, makikita ang videos ng pagkanta ng world boxing champion, kasama ang isang live band.

Sabi niya sa video, “Hi, everyone. I’m about to sing and practice for my concert on September 1.”

Natatawang dugtong ni Manny, “I don’t know if I can do this, but I’ll try, I’ll do my best.”

Sa nauna niyang video, makikitang kumakanta si Manny ng Pagsubok” ng bandang Orient Pearl.

Katabi ng senador ang composer at malapit na kaibigang si Lito Camo.

Sa isa pang video, ang hit song naman ni JK Labajo na Buwan” ang kinanta ni Manny.

Continue reading below ↓

Free admission ang Manny Pacquiao Live in Concert ni Manny sa Smart Araneta Coliseum sa September 1, araw ng Linggo.

Nagpasikat ng mga awiting Para Sa 'Yo Ang Laban Na 'To” at Lalaban Ako Para sa Pilipino”, ngayon lang muling nagbalik sa music scene ang 40-anyos na senador.

FRESH FROM VICTORIOUS TITLE BOUT

Sa nakalipas na mga buwan, nag-focus si Manny sa laban niya sa Amerikanong si Keith Thurman.

Tinalo ni Manny ang 30-anyos na undefeated boxer sa laban nila nitong July 20 sa Las Vegas, Nevada.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, naagaw ni Manny ang WBA Welterweight title ni Thurman.

Kaugnay nito, sa interview ng GMA program na Tunay Na Buhay nitong Huwebes, August 15, sinabi ni Manny na sa ngayon ay wala pa siyang planong magretiro sa boxing.

“Lalaban pa ako. Pero wala pa akong napipili pang kalaban ko.”

Sa nakaraang tatlong taon, isinisingit ni Manny ang kanyang boxing bouts sa mga gawain niya sa Senado.

Continue reading below ↓

June 2016 nang mahalal na senador si Manny, na pagsisilbihan ang kanyang termino hanggang sa 2022.

GUNNING FOR ANOTHER TERM

Sa nasabing panayam din, diretsahang tinanong si Manny ng host na si Pia Arcangel kung ano ang political plans niya sa 2022.

Tanong ni Pia, “Anong balak ni Senator Manny Pacquiao sa 2022?”

“Tumakbo uli!” mabilis na sagot ng senador, na sinundan ng tawa.

Sa follow-up question ni Pia, tinanong niya kung “vice president… president” ang susunod na aasintahing posisyon ni Manny.

“I don’t know. Wala. Wala diyan,” ani Manny, bilang paglilinaw na wala pa sa plano niyang tumakbo para sa alinman sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

“May second term pa ako,” dagdag niya, bilang kumpirmasyong kakandidato siya muli para senador.

Ang huling tanong ni Pia sa senador: “Ano ang aral ng tunay na buhay ni Manny Pacquiao?”

Continue reading below ↓

Sagot ng senador, “Hindi ako sumuko, hindi ako na-discourage.

“You cannot avoid them, na somebody will try to pull you down.

“If God is with you, who can be against you?”

Hindi lingid sa lahat ang kuwento ng buhay ni Manny, na lumaki sa hirap at napilitang magboksingero upang kumita ng pera.

Isinapelikula pa nga ang kanyang buhay sa Kid Kulafu noong 2015.

MANNY LOOKS BACK

Kaugnay nito, noong Miyerkules, August 14, marami ang naantig sa ipinost ni Manny sa Instagram na black-and-white photo niya habang inaalisan ng gloves.

Batambata pa si Manny sa nasabing litrato, na mistulang kuha noong nagsisimula pa lang siya sa boxing.

Sa caption, binalikan ni Manny ang kuwento ng paghihikahos noon ng kanyang pamilya.

Saad niya, “Being born into poverty is not a choice.

“My siblings and I grew up with nothing.

“No food, no shelter, not knowing if we could survive another day without food.”

Continue reading below ↓

Ayon sa boxing superstar, mismong ang kahirapan ang nagsilbing inspirasyon niya upang magsikap at iahon sa hirap ang kanyang pamilya.

“That did not stop me though.

“I always believed and still believe today that with hard work, determination, and perseverance you can defeat whatever obstacle is in front of you."

Patuloy na pagbabalik-tanaw ni Manny tungkol sa kinagisnan niyang kahirapan, “I didn’t have time to be lazy. My family’s life was on the line.

“I could not just stand by and do nothing.

“I had to fight!”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After his victorious title bout against American boxer Keith Thurman last month, Senator Manny Pacquiao is now busy preparing for his first major concert next month.
PHOTO/S: mannypacquiao on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results