Former DENR Secretary Gina Lopez passes away at 65

by Jet Hitosis
Aug 18, 2019
Environment activist-philanthropist and former Environment Secretary Gina Lopez passed away Monday, August 19, at the age of 65.
PHOTO/S: Facebook

Pumanaw na ang environmental activist-philanthropist na si dating Environment Secretary Gina Lopez ngayong Lunes, August 19, matapos ang ilang buwang pakikipaglaban sa brain cancer.

Siya ay 65 anyos.

Sa inilabas na pahayag ng ABS-CBN, binigyang-diin nito ang mga pagsisikap ni Gina para maisakatuparan ang mga layunin ng itinatag niyang ABS-CBN Foundation, Inc.

Saad sa official statement ng ABS-CBN: "Gina was the pillar of strength that pushed AFI to achieve what seemed to be impossible. Her caring heart and selfless kind of love inspired people within and beyond the organization to help and serve others.

"While we mourn with Gina’s family and loved ones, we also pray that her legacy continues to live on in the heart of every Kapamilya she had touched in her lifetime.

"We will never forget her and will continue to honor her remarkable contributions not only to ABS-CBN, but the entire nation.

"Thank you Gina, for showing us how it is to live in the service of the Filipino."

Continue reading below ↓

Ilang araw lang ang nakalipas nang naging kritikal ang lagay ni Gina, at na-confine sa Intensive Care Unit ng Makati Medical Center dahil sa mga kumplikasyon ng kanyang sakit, ayon sa sources.

June 2019 nang sumulpot ang mga hindi nakumpirmang balita na may brain cancer si Gina.

Mahigit isang buwan na ring hindi napapanood si Gina sa kanyang multi-awarded environmental show sa ABS-CBN, ang G Diaries, na umeere tuwing Linggo.

Pansamantala siyang hinalinhan ng kapatid na si Ernie Lopez bilang host ng show.

VISIT FROM GARY V

Sa isang post sa Facebook page ni Gina noong July 2, ibinida niyang dumalaw sa kanya ang mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Sa naka-post na video, makikitang kinakantahan ni Gary ng “Could You Be Messiah To Me” si Gina, habang nakapikit ang huli.

Caption ni Gina: “As some of you may know, I am having health challenges which I have found a blessing.

Continue reading below ↓

“So yesterday morning, I was was blessed to have a visit from Gary, his wife Angeli, and the sister of Maricel who is also a very beautiful person...

“This is Gary singing to me... He is suuuuuch a beautiful person.”

Nagpakuha rin ng litrato sina Gary at Gina—ang huling isinapublikong litrato ng huli.

Continue reading below ↓

CANCER SURVIVOR, HEALTH ADVOCATE

Kilalang health at alternative treatment advocate, si Gina ay isa ring cancer survivor.

Sa kanyang column na “From The Heart” sa The Philippine Star noong October 2, 2017, ipinagmalaki ni Gina kung paano niyang napagtagumpayan ang cancer sa tulong ng natural na gamutan.

Continue reading below ↓

Sa column niya, na may titulong “How I Conquered The Big C, The Natural Way,” sinabi ni Gina na “very careful” siya sa kanyang mga kinakain.

Mahalaga, ayon sa kanya, ang pag-eehersisyo, may sapat na oras ng tulog, “and, most importantly, to stay positive.”

“I am not keen on anything chemical because this puts a strain on the kidney and liver,” saad sa column ni Gina.

Doon, ikinuwento niyang ipina-biopsy niya ang “lump on my breast” at natuklasang mayroon siyang “malignant invasive cancer.”

Saad pa sa column ni Gina, “I refused any kind of chemical or invasive treatment because I had seen the effect these had on people I knew.”

Ayon kay Gina, sa tulong ng naturopath ay nagamot ang kanyang cancer.

Matapos ito, regular nang nagsasagawa ng health and wellness seminar si Gina, na nagsusulong ng meditation, organic food, traditional medicine, at natural healing kontra sakit.

Continue reading below ↓

FROM BEING PRIVILEGED TO A YOGA MISSIONARY

Isinilang na Regina Paz la O' Lopez noong Disyembre 27, 1953, si Gina ay kabilang sa pitong anak nina Eugenio "Geny" Lopez, Jr. at Conchita la O'.

Kapatid siya ni ABS-CBN Corporation Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III.

Nag-aral sa Assumption College at sa Boston College, pagkagaling sa Amerika ay ginugol ni Gina ang sumunod na 20 taon ng kanyang buhay bilang yoga missionary, at nanirahan sa Portugal, India, at Africa.

Continue reading below ↓

Sa essay na isinulat ni Gina para sa Rogue magazine noong 2016, sinabi niyang naging mabuti sa kanya ang kanyang pamilya at maginhawa ang kanilang buhay, pero may nararamdaman pa rin siyang kulang.

“Eventually I left home. Not because things were not good, but because I had this urge to do something,” bahagi ng essay ni Gina.

Labing-isang taon siyang nanirahan sa Africa, kung saan niya nakilala ang kanyang napangasawa, at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki.

GINA'S MOM

Noong nakaraang linggo ay lumipad mula Amerika ang ina ni Gina na si Conchita, na ngayon ay Taylor na pagkatapos mag-asawa muli at naninirahan na ngayon sa San Francisco Bay Area.

Kaya nagkaroon ng pagkakataong magkapiling ang mag-ina sa huling mga araw ni Gina.

Continue reading below ↓

Undated photo of Gina Lopez with her mom, Conchita la O' Taylor.

ENVIRONMENT WARRIOR

Nang magbalik sa Pilipinas, inilunsad ni Gina ang kanyang corporate social responsibility programs para sa kalikasan at sa mahihirap na komunidad, at itinatag niya ang ABS-CBN Foundation noong 1989.

Itinatag ni Gina ang Bantay Bata 163, na sinundan ng Bantay Kalikasan, at naging vice chairperson din siya ng ABS-CBN Bayan Foundation, na umaayuda sa maliliit na negosyante.

Para sa brainchild niyang Sineskwela, si Gina ang unang Southeast Asian na tumanggap ng UNESCO Kalinga Award.

Sa tulong naman ng Bantay Kalikasan, pinasimulan ni Gina ang muling pagbuhay sa Pasig River sa pamamagitan ng Kapit Bisig Para Sa Ilog Pasig project.

Dahil sa inisyatibong ito ni Gina, itinalaga siya ni Pangulong Noynoy Aquino bilang chairperson ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) taong 2010.

Kasunod nito, nagsunud-sunod na ang mga environmental programs na isinulong ni Gina, gaya ng Bayanijuan, Save Palawan Movement, at sumuporta rin sa No Mining In Palawan Movement.

Continue reading below ↓

SHORT STINT AS CABINET SECRETARY

June 30, 2016 nang italaga si Gina ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Pag-upo sa puwesto, kaagad na ipinag-utos ni Gina ang auditing ng lahat ng mining companies sa bansa.

Pagsapit ng Pebrero 2017, kinansela ni Gina ang 75 mining contracts dahil sa natuklasan niyang malawakang paglabag umano ng mga ito sa iba’t ibang environmental laws.

Kasunod ng matitinding kontrobersiyang idinulot ng kanyang mga polisiya bilang DENR secretary, ibinasura noong May 3, 2017 ng Commission on Appointments ang pagkakatalaga kay Gina sa kagawaran.

Sa kanyang pagbabalik sa pribadong sektor, patuloy na pinamunuan ni Gina ang PRRC at naging kolumnista sa broadsheet.

Nang taong ding iyon, itinatag ni Gina ang Investments in Loving Organizations for Village Economics (I LOVE) Foundation para tulungang magkaroon ng kabuhayan ang mga komunidad sa pamumuhunan sa pangangalaga sa kalikasan.

Continue reading below ↓

October 5, 2017, tinanggap ni Gina ang prestihiyosong Seacology Prize sa Berkeley, California.

Siya ang kauna-unahang Pinoy na ginawaran ng nasabing pagkilala bilang “someone who has shown exceptional achievement in preserving island environments and culture.”

‘LIFE IS WHAT WE MAKE OF IT’

Sa column ni Gina sa The Philippine Star noong June 5, 2018, naikuwento niya ang kanyang experience sa hyperbaric chamber, bilang pagpapatuloy ng kanyang “health journey.”

Continue reading below ↓

Ikinuwento rin niya ang testimonials ng ilang pasyente na sumailalim sa parehong gamutan at gumaling sa kanilang mga sakit, hanggang nadugtungan pa ang buhay.

Kaugnay nito, ipinunto ni Gina na hindi nakasalalay sa haba o ikli ng buhay ang tunay na kahulugan nito.

“In closing, remember life is what we make of it.

“Life is what we put in it.

“Life is also all about receiving.

“And the Divine gives to us every second of the day.

“We need to feel the love that is there for us ... and that is our way to a heaven like no other.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Environment activist-philanthropist and former Environment Secretary Gina Lopez passed away Monday, August 19, at the age of 65.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results