Is Jillian Ward an old soul?

by Rommel Gonzales
Aug 18, 2019
She may look like a normal teener, but former child star and Kapuso actress Jillian Ward admits her penchant for old music, as well as her admiration for older music icons.
PHOTO/S: Noel Orsal

Katorse anyos na ang dating child star na si Jillian Ward.

Kahit na medyo bata pa siya, maituturing siyang isang "old soul" dahil bukod sa pagkahilig niya sa mga lumang kanta, marami rin siyang hinahangaang celebrities o musical artists na mas nakatatanda sa kanya.

Sa katunayan, idolo niya ang isa sa miyembro ng Beatles, ang iconic British pop group na sumikat simula noong 1960s.

Pag-amin niya, “Si Paul McCartney po nung bata siya."

Bukod pa rito, idol rin niya ang frontman ng sikat na '90s Pinoy rock group na Eraserheads.

Dagdag niya, “Idol na idol ko rin po si Sir Ely Buendia."

Kinilig daw siya nang i-follow siya ni Ely sa Instagram.

Aniya, “Kasi pinapakinggan ko pa po ang Eraseheads nun, 'tapos bigla pong ‘Ely Buendia just followed you.’”

Hindi raw niya inabutan ang Eraserheads.

Sabi niya, “Pero si Papa po kasi laging nagpapatugtog noon.”

Continue reading below ↓

Mahilig si Jillian sa mga medyo old school na musika.

Ayon pa kay Jillian, wala siya talagang crush.

Paglinaw niya, “Nag-a-idolize lang po ako pero yung crush po talaga na kinikilig po ako, wala po.”

Pero naguguwapuhan daw siya kina Alden Richards at Coco Martin.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jillian sa grand mediacon ng Prima Donnas noong Martes, August 13, sa 17th floor ng GMA Network.

NEW TV SHOW

Magbibida na siya sa unang pagkakataon bilang isang teenager sa Prima Donnas ng GMA-7.

“Nae-excite po ako sa kung anuman pong mangyayari next, kasi nga po parang panibagong journey po ’to, e... na teen na po talaga ako.

"Hindi na po yung awkward stage na hindi ko po alam kung dalaga na po ba or bata pa rin po.

“Ngayon po talaga matured na po and mas may damdamin na po yung mga eksena.”

Continue reading below ↓

Masasabi na ni Jillian na hindi na siya munting bata.

“Teenager,” ang simpleng sagot ni Jillian.

Sa kanilang tatlo nina Sofia Pablo at Althea Ablan na mga Prima Donnas lead stars, base sa trailer ay mas angat ang role ni Jillian, na tila kay Jillian mas umiikot ang kuwento.

“Kasi hindi ko pa po nababasa yung buong script, e.

"Pero so far, ako po talaga yung ate nila na nagpalaki po sa kanila, kasi nga po nawalay po kami sa nanay namin.

“So sa akin po binigay yung responsibilidad na alagaan po sila, kasi kumbaga, ako nga po yung pinaka-ate nila.”

THE BABY IS NOW A LADY

Kasing edad ni Jillian si Ryzza Mae Dizon ng Eat Bulaga, pero ang tingin ng marami kay Ryzza ay isang cute na bata pa rin, samantalang ang tingin kay Jillian ay isang dalaga na maganda at sexy.

Sanay na ba si Jillian na dalaga na ang tingin sa kanya ng mga tao? Compliment ba iyon para sa kanya?

Continue reading below ↓

Pagklaro niya, “Hindi naman po compliment pero medyo nakakagulat din po, kasi parang ngayon lang din po ako nagkaroon po ng mga comments po na ganoon so medyo surprising po.

“Pero medyo… hindi ko po alam kung ano po ang mararamdaman ko din kasi nga parang bigla na lang pong nagbago ang hitsura ko, so medyo nasanay na po ako sa cute-cute lang.

"Ngayon iba na po ang tingin sa akin.”

Mas gusto ba niya na dalaga na ang turing sa kanya kumpara sa dati na child star ang tingin sa kanya?

Pakli niya, “Medyo po, kasi siyempre iba na po yung mga puwede ko pong i-portray na characters po, e.

"Parang nine years na rin po akong puro bata ang roles.”

NOT READY FOR LOVE YET

Okay lang din ba na may mga nagka-crush na sa kanya at nag-i-intensyon na manligaw sa kanya?

Continue reading below ↓

“Madami pong gustong manligaw pero bawal po talaga. Baka atakihin po ng high blood yung Papa ko!” natatawa niyang hirit.

May mga nagpapadala raw ng mensahe sa kanya at nagpapahiwatig na nais siyang ligawan.

Bukod sa tatay niya, si Jillian mismo ang ayaw pang magpaligaw.

“Ayoko po talaga kasi parang mas focused po talaga ako sa work ko rin po and sa pag-aaral ko po.

“Kumbaga, hindi pa po kailangan at hindi ko pa po gusto!” diin niya.

Nasa Prima Donnas rin sina Katrina Halili as Lilian Madreal, Wendell Ramos as Jaime Claveria; Ms. Chanda Romero as Lady Primarosa Claveria; Benjie Paras as Agaton; Elijah Alejo as Brianna at Aiko Melendez as Kendra Fajardo.

Ang Prima Donnas (na mapapanood sa GMA Afternoon Prime) ay sa direksyon ni Gina Alajar.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
She may look like a normal teener, but former child star and Kapuso actress Jillian Ward admits her penchant for old music, as well as her admiration for older music icons.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results