Has Jerald Napoles ghosted girlfriend Kim Molina?

by Rose Garcia
Aug 19, 2019
Jerald Napoles on ghosting: "Hindi rin naman po ako nagmamalinis, wala naman po sa hitsura ko!"
PHOTO/S: Gorgy Rula

Dahil uso ang ghosting, natanong si Jerald Napoles kung nagawa ba niya ito sa girlfriend niyang singer-actress na si Kim Molina.

“Hindi po,” mabilis niyang sagot.

“Apparently, may ebidensiya naman po na hindi ko siya na-ghosting.

"Pero siguro po, nagawa ko yun dati, nung kapusukan ng mga kabataan. Hindi rin natin masasabi.

"Hindi rin naman po ako nagmamalinis, wala naman po sa hitsura ko!" natatawang sabi ni Jerald.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jerald sa presscon ng pelikulang Mina-anud nitong Agosto 2, Biyernes, sa 38 Valencia Events Place, Quezon City.

JERALD ON ILLEGAL DRUGS

Tinatalakay ng Mina-anud ang bentahan ng cocaine.

Aminado si Jerald na may nag-alok sa kanya ng droga, at sa ibang bansa iyon nangyari.

“Kasi, ganito po ‘yan, e. Pag nalaman nilang artista ka sa ibang bansa, pag nagpunta ka.... ‘Ahh, rock and roll guy ‘to, this guy does drugs, party guy ito.’

Continue reading below ↓

“So, may offer agad,” saad ni Jerald.

Patuloy niya, “Kung tutuusin din, dahil abroad yun, pwede mong kagatin.

"Abroad yun, malalaman ba dito? Pagdating mo dito, sober ka na.”

Hindi raw ito pinatulan ni Jerald dahil alam niyang hindi ito makakatulong sa kanya at posibleng ikapahamak pa niya.

“Ako, honestly, sa disposisyon ko sa buhay, meron kasi akong sariling path na tinatahak sa career ko.

"So, yung mga bagay na kailangang iwasan, iwasan.

"Yung mga bagay na gusto kong i-enjoy, ie-enjoy ko.

“So, kung sa tingin ko yung mga ganitong bagay, makakatulong sa akin as a person, at kung makakatulong sa akin as a person, ibig sabihin, makakatulong sa career ko, I would enjoy that.

“Pero kung hindi, kahit na may offer, at libre, e, hindi natin masyadong papansinin ‘yan.”

Nagkamit ang Mina-Anud ng Basecamp Colour Prize sa Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum noong 2017.

Continue reading below ↓

Sa August 21, Wednesday, ito mapapanood sa mga sinehan.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on ghosting: "Hindi rin naman po ako nagmamalinis, wala naman po sa hitsura ko!"
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results