Julia Barretto, mom Marjorie react to Gerald Anderson's Instagram posts 

by Rachelle Siazon
Aug 19, 2019
(Left photo) Julia Barretto and Gerald Anderson are photographed during the promo events of their movie Between Maybes in April; (right photo) still shot from their shoot in Japan that Julia posted on her Instagram.
PHOTO/S: @nhilanhils / @juliabarretto Instagram

Nadawit man si Julia Barretto sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo, tila hindi naging hadlang ito para mag-react si Julia sa Instagram posts ni Gerald na nakikita ng publiko.

Ni-like ni Julia ang post ni Gerald, na may petsang August 11, tungkol sa pagsailalim niya sa three-day Scout Rangers training.

May caption iyon na quote tungkol sa kung paano natututo ang tao sa oras na malampasan ang bagyo sa buhay nito, mula sa librong Kafka on the Shore ng author na si Haruki Murakami.

Continue reading below ↓

Noong August 17, ni-like din ni Julia ang litrato ni Gerald na kuha sa hometown ng aktor sa General Santos City.

Kuha iyon habang nagtatalumpati si Gerald tungkol sa turo ng Scout Rangers sa isyu ng terorismo at recruitment ng mga grupo ng terorista sa pamamagitan ng social media.

Continue reading below ↓

Hindi lang si Julia ang nag-react sa August 17 Instagram post ni Gerald kundi pati ang ina ng aktres na si Marjorie Barretto.

Ni-like din ni Marjorie ang litrato ni Gerald sa Instagram account ng Star Magic noong August 11.

Continue reading below ↓

Ang Star Magic ay ang talent management arm ng ABS-CBN na kinabibilangan nina Julia, Gerald, at pati na rin ni Bea.

Inaasahang magkikita sina Julia at Gerald sa All Star Games ng Star Magic, na gaganapin sa August 25, Linggo, sa Araneta Coliseum.

Captain ball si Gerald ng basketball team nito, habang si Julia ay captain ball din ng kinabibilangan nitong volleyball team.

Hindi malinaw kung kumpirmadong dadalo rin si Bea sa event.

BEA-GERALD-JULIA ISSUE

Halos isang buwan na mula nang pumutok sa social media ang tungkol sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Sa bersiyon ni Bea, bigla na lang siyang hindi kinausap ni Gerald gayong wala raw silang formal breakup.

Bago ito ay naiulat ang pag-like ni Bea sa mga matatalinhagang quotes sa Instagram at pati na rin post ng isang netizen na nakakita kina Gerald at Julia sa labas ng isang restobar noong gabi ng July 20.

Continue reading below ↓

Sa bersiyon ni Gerald, naging madalas daw ang pag-aaway nila ni Bea hanggang sa nagkaroon sila ng "one big fight."

Noong naisapubliko na ang problema nila ni Bea, sinubukan daw ni Gerald na mag-reach out sa ex-girlfriend pero hindi ito sumagot sa kanya.

Nasabi rin ni Gerald sa panayam sa kanya ng TV Patrol noong August 5 na nagkausap sila ni Julia tungkol sa isyu.

Diin noon ni Gerald, walang kinalaman si Julia sa hiwalayan nila ni Bea.

Sa ulat ng Cabinet Files sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 23, nakasaad ang impormasyon ng isang source na umamin umano si Gerald na "nanliligaw" siya kay Julia.

Sinabi raw ito ni Gerald sa ama ni Julia na si Dennis Padilla nang magkausap sila sa telepono.

Nang tanungin si Gerald hinggil dito, kinumpirma niyang nagkausap sila ni Dennis pero hindi niya nilinaw ang tungkol sa sinasabing panliligaw niya umano kay Julia.

Continue reading below ↓

JULIA'S STATEMENT VERSUS BEA

Kasunod nito ay nagpakawala ng maanghang na pahayag si Julia sa umano'y pailalim na paninira sa kanya ni Bea sa social media nang i-like daw ng huli ang "harmless photos" nila ni Gerald na kumalat sa social media.

Kaugnay ito ng insidenteng namataan sina Julia at Gerald na magkasama sa labas ng venue ng dinaluhan nilang party ng close friend ni Gerald na si Rayver Cruz.

Hindi na sumagot si Bea sa isyung ito.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Julia Barretto and Gerald Anderson are photographed during the promo events of their movie Between Maybes in April; (right photo) still shot from their shoot in Japan that Julia posted on her Instagram.
PHOTO/S: @nhilanhils / @juliabarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results