Jameson Blake admires professionalism of Bea Alonzo amid breakup issue

by Arniel C. Serato
Aug 19, 2019
Jameson Blake on rumored relationship with Elisse Joson: "Not formally. Casual dates. We meet up sometimes. We talk, catch up all the time, and checking up on each other."
PHOTO/S: Arniel Serato

Sa kasagsagan ng isyung hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, nagpakita ng propesyunalismo ang aktres dahil dumalo ito sa story conference ng bago niyang pagbibidahang teleserye sa ABS-CBN noong July 26.

Isa sa mga cast member ng show ay si Jameson Blake.

Muling makakasama ni Jameson si Bea sa bagong show nito sa network pagkatapos ng A Love To Last noong 2017.

Sa nasabing teleserye ay nakasama rin nila si Julia Barretto, na itinuturong third party sa hiwalayan nina Bea at Gerald.

Nagkausap ba sila lately ni Julia?

Sagot ni Jameson, “Hindi, e. I never really got close kasi with Julia before.”

Kumusta naman si Bea noong nakasama niya sa storycon?

Sabi ng Hashtags member, “Okay naman siya.

"I can see her, like, you know, I mean, if she's going through something, I can say na she is really a strong woman and kaya niyang dalhin yung sarili niya.”

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jameson sa announcement presscon ng Cignal Entertainment na ang pelikulang kinabibilangan ng aktor na Ang Babaeng Allergic sa Wifi ay mapapanood na sa Netflix simula August 21.

RELATIONSHIP STATUS WITH ELISSE JOSON

Itinanggi naman ni Jameson na may relasyon na sila ni Elisse Joson.

Nakangiting sabi ng Hashtags member, “Wala pa. Wala kami. Wala kami.”

Ano na ang estado nila ni Elisse?

Tugon ni Jameson, “We’re really good friends.”

Pero inamin naman niyang paminsan-minsan ay lumalabas sila ng aktres.

Nililigawan na ba niya si Elise?

Ayon kay Jameson, “Not formally. Casual dates. We meet up sometimes.

“We talk, catch up all the time, and checking up on each other.

“Ayun, just like how really good friends are to each other.”

Si Elisse ay dating karelasyon ng kapwa Hashtags member ni Jameson na si McCoy de Leon.

Continue reading below ↓

Kumusta naman ang kanilang pagkakaibigan?

Sabi ni Jameson, “No Bro code was broken.

"Nag-usap kami.

"I think that was enough.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jameson Blake on rumored relationship with Elisse Joson: "Not formally. Casual dates. We meet up sometimes. We talk, catch up all the time, and checking up on each other."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results