Broadcaster Raffy Tulfo says no to politics

by Arniel C. Serato
Aug 19, 2019
Raffy Tulfo on his controversial siblings Mon, Ben, Wanda, and Erwin: "May kanya-kanya kaming buhay. Walang pakialamanan."
PHOTO/S: Arniel Serato

Wala raw balak pumalaot sa pulitika ang TV5 broadcaster na si Raffy Tulfo.

Ito ay sa kabila ng popular niyang mga programa sa radyo at telebisyon, at maging ang sinusuportahan niyang ACT-CIS Party List ay nakakuha ng tatlong puwesto sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong May 2019 elections.

Pahayag ni Raffy, “Malabung-malabong mangyari yun.

“Haping-happy ako where I am.

“Bakit pa ako maghahanap ng bato na ipupukpok sa ulo?”

Ano ang masasabi niya sa opinyon ng marami na siya ang pinakasikat sa kanilang apat na magkakapatid na broadcasters?

Ang iba pang mga kapatid ni Raffy na nasa broadcasting ay sina Mon, Ben, at Erwin.

Tugon niya, “Hindi naman. Ganun din naman mga kapatid ko.

“Kaya lang, ako lang siguro ang medyo napapansin sapagkat maraming mga complainants na nagpupunta sa action center natin.”

Ang action center ni Raffy ay para sa programa niyang Wanted sa Radyo ng Radyo Singko at Cignal TV.

Continue reading below ↓

Kilala man ng publiko, siya ang pinaka-low profile sa kanilang magkakapatid.

Rason niya, “E, kasi nagku-concentrate ako dun sa public service

“So, hindi ko hinahaluan ng commentary, walang halong pulitika.

“Unlike sa mga kapatid ko, jack of all sila, e... lahat puwede nila pakialaman na hindi ko naman ginagawa.

“I stick sa public service.”

CONTROVERSIAL SIBLINGS

Ang panganay nilang si Mon ang tila pinakakontrobersiyal sa kanilang magkakapatid.

Kasalukuyan itong nahaharap sa reklamong libel na isinampa ni Executive Secretary Salvador Medialdea.

Si Wanda Teo naman ay naging kontrobersiyal din dahil noong Tourism secretary pa ito, nagkaroon umano ng conflict of interest ang ad placement ng Department of Tourism sa mga programa ni Ben sa PTV4.

Kinampihan naman ni Mon si Wanda at tila inilaglag si Ben sa usaping ito.

Si Erwin ay nalagay rin sa spotlight nitong nakaraang mga buwan dahil sa giriian nito kay Department of Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista.

Continue reading below ↓

May pakialaman ba silang magkakapatid kapag nasasangkot ang isa sa kanila sa kontrobersiya?

Tugon ni Raffy, “A, hindi, may kanya-kanya kaming buhay.

“Walang pakialamanan.

“Pinapabayaan ko lang sila kung ano ang ginagawa nila, the same way na pinapabayaan din nila kung ano ang ginagawa ko.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Raffy Tulfo on his controversial siblings Mon, Ben, Wanda, and Erwin: "May kanya-kanya kaming buhay. Walang pakialamanan."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results