Eagle Riggs figures in motorcycle accident in Palawan

by Arniel C. Serato
Aug 19, 2019
Eagle Riggs undergoes leg operation at a local hospital in Palawan after he was hit by a motorcycle, Sunday morning, August 18.
PHOTO/S: Courtesy: Michael Eagle Riggs / Palawan News on Facebook

Nasangkot sa isang aksidente ang host-comedian na si Eagle Riggs sa Palawan nitong madaling-araw ng Linggo, August 18.

Ayon sa post ng Facebook page na Palawan News ngayong Lunes, August 19, tumatawid daw sa kalsada ang host-comedian nang mabangga ng isang motorsiklo.

Dagdag pa sa ulat, naoperahan na raw sa binti si Eagle sa isang ospital doon.

Nasa Puerto Princesa, Palawan si Eagle dahil nag-host ito ng isang show noong Sabado, August 17.

Saad sa report: “Actor and TV host Eagle Riggs met an accident following a show on Saturday.

“He is now confined at the Cooperative Hospital after a leg operation.

“Riggs was hit by a motorcycle on Sunday around 5:00 in the morning while crossing the road in Barangay Bancao-Bancao.”

Continue reading below ↓

Sa kanya namang Facebook account may ilang oras lamang ang nakalilipas, nakapag-post pa si Eagle ng mga larawang kuha noong gabi ng kanyang hosting stint.

Nakipag-ugnayan na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Eagle sa pamamagitan ng Facebook upang alamin ang kanyang kasalukuyang kalagayan at makakuha pa ng ibang detalye tungkol sa aksidente.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eagle Riggs undergoes leg operation at a local hospital in Palawan after he was hit by a motorcycle, Sunday morning, August 18.
PHOTO/S: Courtesy: Michael Eagle Riggs / Palawan News on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results