Julia Barretto, Kim Chiu exchange friendly messages on Instagram

by Bernie V. Franco
Aug 20, 2019
Julia Barretto (left) and Kim Chiu exchange of friendly messages on Instagram. Julia is currently being linked to Gerald Anderson, Kim's ex-boyfriend.
PHOTO/S: Noel Orsal

“At the end of the day, we’re all in one team!”

Bahagi ito ng mensahe ni Julia Barretto, 22, para sa kapwa Star Magic artist na si Kim Chiu, 29, sa isang Instagram Story.

Nagpalitan ng friendly messages ang dalawa nitong August 19, Lunes, kaugnay ng nalalapit nilang paghaharap sa women's volleyball match ng ABS-CBN All Star Games 2019.

Si Kim ang team captain ng Red Team habang si Julia ang team captain ng Blue Team.

Abala ngayon ang dalawa sa pagsasanay kasama ang kani-kanilang teammates.

Mangyayari ang kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum sa August 25, Linggo.

JULIA AND KIM EXCHANGE MESSAGES

Unang nag-post si Julia ng larawan niya kasama ang mga kagrupo mula sa kanilang practice.

Itinag ni Julia si Kim sa kanyang post.

“This is going to be fun @chinitaprincess [heart emojis],” aniya.

Sumagot naman si Kim at ni-repost ang Instagram Story ni Julia.

Caption ni Kim: “Team red is shaking rn [right now]!!!”

Continue reading below ↓

Kalakip ng caption ni Kim ang maraming smile emojis.

Sumagot uli si Julia. “We’re both shaking right now!!!

“At the end of the day, we’re all in one team! Support!!! [heart emojis]”

Continue reading below ↓

Si Kim ay dating girlfriend ni Gerald Anderson na kasalukuyan namang nali-link kay Julia.

Dadalo rin si Gerald sa naturang event dahil siya ang team captain ng Red Team para sa men’s basketball match, kalaban ang grupo ng It's Showtime.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto (left) and Kim Chiu exchange of friendly messages on Instagram. Julia is currently being linked to Gerald Anderson, Kim's ex-boyfriend.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results