Dennis Padilla confirms phone conversation with Gerald Anderson

by Bernie V. Franco
Aug 20, 2019
Dennis Padilla (left) on Gerald Anderson: "Ang akin lang, basta huwag maagrabyado yung anak ko. Kasi ang tingin ng tao sa kanya, e, playboy."
PHOTO/S: Noel Orsal

Naging determinado ang entertainment press na kunan ng pahayag si Dennis Padilla hinggil sa isyung kinasasangkutan ng kanyang anak na si Julia Barretto.

Nakausap ng media ang aktor sa presscon ng pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo sa Music Hall, Metrowalk, Pasig City, nitong Martes, August 20.

Sa presscon proper, diretsong tinanong si Dennis sa isyung nakipag-ugnayan siya kay Gerald Anderson via cellphone nang pumutok ang isyung paghihiwalay ng aktor at ng girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Nadawit ang pangalan ni Julia dahil ito ang itinuturong third party sa hiwalayan ng dalawa.

Kinumpirma ni Dennis ang ulat ng Cabinet Files sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong July 23 na nagkausap sila ni Gerald sa telepono.

Lahad niya, “Nag-text muna ako.

"Kasi nung lumabas yung issue, nag-text lang ako, 'tapos tumawag siya [Gerald]. Kinausap ko.

“So, pagkausap ko, ni-remind ko lang sa kanya, ‘Pare, anak ko ‘yan.’

Continue reading below ↓

"So, siguro alam niya ang lalim noon, di ba, lalaki naman.”

Pagkatapos ng presscon proper, sinikap ng press na kunan ng dagdag na pahayag si Dennis sa pag-uusap nila ni Gerald.

Tensiyonado ang lahat, pero nagpaunlak ng maiksing interview si Dennis.

“Ready naman ako sumagot, kaya lang malalayo sa promo ng pelikula.

“Kaya puro general lang mga sagot ko,” paalala ni Dennis nang makita kung gaano kasugid ang reporters na ma-interview siya tungkol sa isyu ng anak.

Tanong kay Dennis: binalaan ba niya si Gerald nang i-text niya ito?

Tugon niya, “Wala. Naiintindihan naman niya.

"Sabi niya, 'O, Tito, siyempre anak niyo yun...'

"Sabi ko, 'Yun lang…' ni-remind ko lang siya.”

“Okay” ba sa kanya si Gerald?

Sagot ng ama ni Julia, “Ang akin lang, basta huwag maagrabyado yung anak ko.

“Kasi ang tingin ng tao sa kanya, e, playboy.

Continue reading below ↓

“Basta ang importante lang sa 'kin, yung kapakanan ng aking anak.”

Inusisa rin si Dennis kung nakapag-usap na sila ni Gerald bago pa man ito maging “close" ni Julia, pero umiwas na ang komedyante.

Aniya, “Isang beses lang…

“Actually, bago pa lang ako pumunta dito, alam niyo ba, meron na akong isang presscon na hindi pinuntahan kasi napupunta yung topic doon sa issue?

“So, yun, as much as I want magkuwento, hindi ko magawa.”

Sa naunang panayam kay Gerald noong August 5, kinumpirma rin niya ang naging pag-uusap nila ni Dennis.

DENNIS GIVES UPDATE ON JULIA

Ibinahagi rin ni Dennis sa presscon ang paalala na ibinigay niya kay Julia hinggil sa kinasasangkutan nitong isyu.

“Siyempre kapag anak mo, siyempre ang una mong gagawin, proteksiyunan.

“So, ang sabi ko sa kanya, 'Huwag ka na munang mag-social media, pahinga ka na muna sa social media. Mas maganda, magbakasyon ka na muna.'

Continue reading below ↓

“Sabi ko nga sa kanya, kung wala pa naman siyang shooting or hindi naman siya gaano busy, 'Lumayo ka na muna sa social media. Antayin mo na lang mag-die down kung ano yung issue.'”

Kumusta na si Julia ngayon?

“Okay naman siya," tugon ni Dennis.

“Hindi naman siya malungkot kasi busy siya preparing for Star Magic Ball and Olympics nila.”

Ang tinutukoy na Olympics ni Dennis ay ang upcoming ABS-CBN All-Star Games 2019, kung saan team captain si Julia sa women’s volleyball match.

Inulit ni Dennis ang payo sa anak na magpahinga muna.

“Ang nasabi ko lang sa kanya, 'Anak, huwag ka muna mag-social media, magbakasyon ka... Bawasan mo na 'yang schedule mo para makapagbakasyon ka.

“And most likely, nakinig siya.”

Noong July 2019, pumutok ang isyung paghihiwalay nina Bea at Gerald matapos mag-leak sa social media ang mga larawan nina Gerald at Julia na magkasama.

Continue reading below ↓

Diumano, nakunang magkasama ang dalawa pagkatapos dumalo sa birthday celebration ng kaibigan nilang si Rayver Cruz.

Dahil sa paparazzi shots ng dalawa ay inakusahan si Gerald ng pangangaliwa umano kay Bea.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla (left) on Gerald Anderson: "Ang akin lang, basta huwag maagrabyado yung anak ko. Kasi ang tingin ng tao sa kanya, e, playboy."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results