Inilarawan ni Cherie Gil ang sarili na “rebooted” matapos ang matagumpay na operasyon sa kanyang tuhod noong Lunes, August 19.
Nagpapagaling na ngayon ang 56-anyos na aktres makaraang sumailalim sa meniscal tear surgery sa Makati Medical Center.
Sa tinawag niyang “longest post I ever written” sa Instagram noong Martes, August 20, nagbigay ng update si Cherie sa kanyang kondisyon.
Ipinost ng beteranang aktres ang litrato niyang kuha habang nakahiga siya sa hospital bed.
Caption ni Cherie: “Reminiscent of the 80’s, including my hairstyle, when I’ve been confined last, if I recall correctly.”
Sa nasabing post, inisa-isang pasalamatan ni Cherie ang mga doktor at nurse na nagtulung-tulong sa kanyang operasyon at pagpapagaling.
Aniya, “Nonetheless, I enjoyed my stay knowing I was in great hands and was super taken care of.
“From admissions, Joan and Monica, who were so gracious, my round the clock nurses, Aaron, Ria, Cheryl and Aika to my amazing top notch Drs!
“Starting with ortho DR Marc Castro, my admitting doctor as I went in for a meniscal tear surgery.”
“Deeply grateful” din si Cherie sa kanyang gynecologist, gastroenterologist, cardiologist, at anaesthesiologist.
Nagpasalamat din ang aktres sa kanyang mga magulang at mga kaibigan para sa “moral support” at sa pagbisita sa kanya sa ospital.
Saad pa sa post ni Cherie, “And to all of you who sent me their concern and loving well wishes ... you know who are... I love you guys .
“Most especially to my parents who gave me moral support, to one of my bff’s Tessie Tomas who came to visit, to my dearest @bianca.rogoff who checked in on me and chatted for a bit while she caught her plane back to NY form studies in Amsterdam and finally to Dianne, my loyal PA who undyingly and tirelessly stayed by my side every second.”
CHERIE HAS “NEW PAIR OF KNEES”
Tiniyak din ng StarStruck council member na “rebooted” na siya ngayon, dahil sa “new pair of knees ready to face the next marathon of this new chapter of my life.”
Post pa ni Cherie, “I am now rebooted and given a clean bill of health along with a new pair of knees ready to face the next marathon of this new chapter of my life.
“THANK YOU ALL #onward.”
Paliwanag pa ng aktres sa mahaba niyang post, “This is the longest post I ever written! Because #healthiswealth guys!
“BUT at the end of the day.. love and laughter is still the best medicine.”
Hindi ito ang unang beses na naoperahan sa tuhod si Cherie.
Sa interview sa kanya ng metro.style noong August 2018, naikuwento ng aktres na “I hurt my knee and had to undergo meniscus tear surgery” nang taong iyon dahil sa pagiging physically active.
Sa nasabing panayam, sinabi ni Cherie na bumibisita siya sa gym, may dancing lessons, nagsu-swimming, nagba-bike, surfing, horseback riding, at running.
WHAT IS MENISCUS TEAR?
Ang meniscus tear sa knee cartilage ay karaniwan sa mga atleta, ayon sa webmed.com.
Gayunman, maaari rin itong mangyari kapag mali ang posisyon ng katawan sa pagbubuhat ng mabigat na bagay.
Mas karaniwan din itong maranasan habang nagkakaedad ang tao, dahil hindi na ganun katibay ang buto at tissues sa paligid ng tuhod.
Sumasailalim lang sa operasyon ang may severe meniscus tear, at karaniwang inaabot ng buwan ang pagpapagaling, kabilang na ang regular physical therapy, ayon pa rin sa webmd.com.