Ion Perez denies romantic relationship with Vice Ganda

by Bernie V. Franco
Aug 21, 2019
Ion Perez (right) denies relationship with Vice Ganda: "Sobrang malapit lang kami sa isa't isa, kaya siguro yung mga tao sobrang nag-iisip sila... ganoon yung naging reaksyon nila."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / Ion Perez on Facebook

Itinanggi ni Ion Perez o Kuya Escort na may relasyon sila ni Vice Ganda.

Sa story conference ng upcoming movie na Mang Kepweng, kung saan kasali si Ion, direkta siyang tinanong ng ilang reporters at bloggers kung ano ang tunay na estado ng relasyon nila ni Vice.

Sila na ba ni Vice Ganda?

“Hindi,” pagtanggi ni Ion.

“Ano lang kami, sobrang malapit lang kami sa isa't isa, kaya siguro yung mga tao sobrang nag-iisip sila... ganoon yung naging reaksiyon nila.

“Sobrang malapit lang kami sa isa't isa.”

Pagpapatuloy niya, “Sobrang close kami... close na close kami ni Vice, parang hindi na rin siya naiiba sa akin.”

Biniro pa si Ion na baka half-meant ang panunukso sa kanila ni Vice sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

“Malay natin!” sabay tawa ng binata.

Ibig bang sabihin ay biru-biruan lang ang panunukso sa kanila sa show?

Continue reading below ↓

“May konting ano naman, minsan napapansin niyo... pero biru-biruan lang kami,” sagot ng binata.

Direktang tanong kay Ion: gaano niya kamahal si Vice?

“Mahal ko pa siya as a friend,” sagot niya.

Inusisa pa rin si Ion sa isyung may relasyon talaga sila ni Vice pero baka ayaw lang nilang aminin.

Diin niya, “Sobrang ano lang po kami talaga, sobrang close po kami talaga ni Meme [tawag kay Vice], kaya lahat ng ibang tao mine-mention ganoon po.”

Wala bang isyu sa kanya kung patuloy ang pagtukso sa kanila ni Vice?

“Wala naman pong isyu sa akin iyon.

“Alam ko naman po yung tao, sobrang bait naman sa akin.

“'Tsaka wala naman po siyang ginagawang masama sa akin,” sagot ni Ion.

Halos mag-iisang taon na simula nang mapabilang si Ion sa It's Showtime at unti-unti na siyang nakikilala bilang celebrity.

Pero sa natatamo niyang kasikatan, isa sa isyung ikinakabit sa kanya ay ang diumano'y pagkakaroon nila ng relasyon ni Vice.

Continue reading below ↓

Samu't sari na ang naisulat hinggil sa dalawa, pero wala pang direktang pag-amin sa relasyon umano nila.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez (right) denies relationship with Vice Ganda: "Sobrang malapit lang kami sa isa't isa, kaya siguro yung mga tao sobrang nag-iisip sila... ganoon yung naging reaksyon nila."
PHOTO/S: @praybeytbenjamin on Instagram / Ion Perez on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results