Dimples Romana refuses to divulge details of Angel Locsin-Neil Arce wedding

by Melba R. Llanera
Aug 21, 2019
Dimples Romana on Angel Locsin-Neil Arce wedding: "Don't worry, as soon na makakapagsabi ako, magpapa-presscon ako sa inyo. ‘Guys, ready na ang details.’”
PHOTO/S: Instagram

Nakasama ni Dimples Romana kamakailan ang close friend niyang si Angel Locsin at fiancé nitong si Neil Arce.

Wala siyang nakitang problema sa dalawa.

“Kasama ko sila nung huli, kasama ni Gel si Neil nung bumisita, nung nag-cameo sa Kadenang Ginto. She's okay," sabi ni Dimples nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon ng Skin Magical Gandang Palaban nitong Agosto 16, Biyernes, sa Terrace Manila, Quezon City.

Tuloy ang kasal nina Angel at Neil?

“Tuloy ang wedding. Baka masabi ko kung kailan, Dyusko, Lord!” bulalas pa ni Dimples.

“Details? Mayroon na, but I'm not about to divulge. Wala pang go signal ni Sir.

"Don't worry, as soon na makakapagsabi ako, magpapa-presscon ako sa inyo. ‘Guys, ready na ang details.’”

Alam ni Dimples kung gaano kamahal ni Neil ang kaibigan niya.

“It's going to be a magical wedding.

"Neil naman from the very beginning, talaga namang ini-spoil si Gel, sobrang alaga ni Neil kay Gel.”

Continue reading below ↓

Clueless naman si Dimples sa isyung baon daw sa utang si Neil.

“Hindi ko yun alam, sorry. I can only comment kung alam ko, pero wala yun.

"Dyusko! Si Neil pa ba?! I haven't heard about it yet.

“I don't think so because Neil is a very upright person. I know him 'coz nakakasama ko naman siya.

“Napakabuting tao nun, makulit lang, sobrang makulit.”

DANIELA MONDRAGON TO ATTEND ANGEL-NEIL WEDDING?

Dahil eksenadora ang karakter niyang si Daniela Mondragon sa Kapamilya teleseryeng Kadenang Ginto, how true na nakapula siya sa kasal nina Angel at Neil?

“Alam mo, napakabuwisit talaga ng kaibigan kong 'yan!” himutok ni Dimples.

“Alam mo, si Gel ang pinaka-biggest basher ko.

"Hindi niyo napansin, pag finollow ninyo kami sa Instagram, pag may sinabi akong maganda about her, nagagalit siya.

“Ayaw niya, hindi siya sanay ng ganun na sobrang bait ko sa kanya.

“Minsan, nag-Facetime kami. Sabi ko, ‘Hi.’ Siyempre, nakapula ako, naka-Daniela ako.

Continue reading below ↓

“Tawang-tawa siya, ‘Oh my God, nakapula ka pa rin!’

"Sabi niya, ‘Sa wedding ko, magpula ka, ha?’

“Sira-ulo ka ba?!”

ANGEL'S CRYPTIC POST

Clueless naman si Dimples sa cryptic post ni Angel sa Instagram na: “My loyalty kept me in some situations that common sense should've taken me out.”

“Naku, hindi, Diyos ko! Nag-e-empower lang siya,” bulalas ng Kapamilya actress.

“Alam nyo naman si Gel talaga, real-life hero din 'yan, e.

"Minsan, yung mga mensahe niya is not about herself but also for other people na may pinagdadaanan.

“Katulad ko, ako, pag nabasa ko yun, si Gel, very sensitive 'yan sa followers niya, alam niya lahat ng followers niya, minsan may pinagdadaanan, minsan wala."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dimples Romana on Angel Locsin-Neil Arce wedding: "Don't worry, as soon na makakapagsabi ako, magpapa-presscon ako sa inyo. ‘Guys, ready na ang details.’”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results