John Lloyd Cruz posts cryptic message: "From nosi balasi to kay bilis maglaho ng kahapon"

by Rachelle Siazon
Aug 22, 2019
John Lloyd Cruz posts cryptic message about nostalgic songs; danger of "encapsulating" an unnamed issue.
PHOTO/S: CTTO / @dumpsitegallery Instagram

Tila idinaan ni John Lloyd Cruz sa nostalgic sound trip kung anuman ang personal na pinagdadaanan niya ngayon.

Ito ay sa gitna ng kanyang pananahimik sa balitang hiwalay na diumano sila ng kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.

Kagabi, August 22, ibinahagi ni John Lloyd ang litrato ng isang unpainted house na may standmount speaker na nakapatong sa isang wooden chair at isa pang mini speaker na nakapaloob sa isang timba malapit sa hagdan.

Sa caption, nakasaad ang kantang "Nosi Ba Lasi" ni Sampaguita at lyrics ng kantang "Minsan" ng Eraserheads.

Ang "Nosi Ba Lasi" ay binaliktad na "Sino Ba Sila."

"From nosi balasi to kay bilis maglaho nang kahapon (minsan)," ani John Lloyd.

https://www.instagram.com/p/B1bZ5NFHO3E/

Sinundan ito ni John Lloyd ng isa pang post ng isang still shot ng isang hindi pinangalanang pelikula.

"Encapsulating is a dangerous road," saad ng aktor sa caption ng kanyang post.

Continue reading below ↓

ALLEGED BREAKUP

First week of August nang pumutok ang balitang nakipaghiwalay na diumano si Ellen kay John Lloyd.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong August 6, isang source ang nagsabing hindi na umano masakyan ng sexy actress ang "kaweirduhan" ni John Lloyd.

Nagkakalabuan na raw ang magkasintahan noon pang June 27, nang makita silang nagpa-party para sa first birthday ng kanilang anak.

Nakasaad din sa ulat na "co-parenting" ang usapan nila pagdating sa pagpapalaki ng anak.

Parehong tikom ang bibig nina John Lloyd at Ellen na walang inilalabas na anumang opisyal na pahayag hinggil sa isyu.

"NOT TODAY"

Noong August 6, mayroon lamang Instagram post si John Lloyd ng ilang kuha niya mula sa sinasabing pagbabakasyon niya sa Vietnam.

Isa sa litrato ay nakatalikod na lalaking nakasuot ng denim jacket na may disensyo sa likod na "NOT TODAY."

Continue reading below ↓

Ibinahagi rin ni John Lloyd ang isang artwork na may written text na "You guys can wear your hair any length you like. Just tell them I said so. -Christ"

WHAT PIOLO SAID ABOUT JOHN LLOYD

Bago ang isyu, si Piolo Pascual ang huling nakapagbahagi ng kaunting balita tungkol sa estado ng buhay ni John Lloyd ngayon.

Continue reading below ↓

Nagkataon kasing nagkita sina John Lloyd at Piolo sa isang event para sa iniendorso nilang produkto.

Ayon kay Piolo, hindi nila napag-usapan ni John Lloyd ang tungkol sa relasyon nito at ni Ellen.

Pero masasabi raw ni Piolo na sobrang nae-enjoy ni John Lloyd ang pagiging isang ama.

"Happy siya. You know, I was asking about his son. He was very vocal about his family. So he's in a good place," ani Piolo sa panayam ng PEP.ph noong July 6.

Kinumpirma rin ni Piolo na may gagawing pelikula si John Lloyd kasama ang premyadong direktor na si Lav Diaz.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz posts cryptic message about nostalgic songs; danger of "encapsulating" an unnamed issue.
PHOTO/S: CTTO / @dumpsitegallery Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results