Sen. Lito Lapid not in favor of SOGIE Bill, but approves of separate restrooms for LGBTQIA

by Bernie V. Franco
Aug 22, 2019
Senator Lito Lapid on passage of SOGIE Bill: “Wala pa, pinag-aaralan pa namin kasi parang may masasagasaan ka diyan.”
PHOTO/S: Photo from News5 YouTube

Naniniwala si Senator Lito Lapid na hindi pa kailangang isabatas ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Bill para sa mga miyembro ng LGBTQIA (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, intersex, asexual) community.

Ang SOGIE Bill o anti-discrimination bill ay nagsusulong para sa kapakanan ng mga LGBTQIA.

Sa video interview na lumabas sa social media noong August 20, Martes, tinanong ang senador tungkol sa pagpasa sa SOGIE Bill para maging batas.

Sagot ni Senator Lapid, “Wala pa, pinag-aaralan pa namin kasi parang may masasagasaan ka diyan.

“Kasi dati namang wala ‘yan, e, di ba?

“Wala namang kontrobersiya dati.

“Nagkaroon ng eskandalo, nakakuha ng pansin ngayon.”

Diin ng actor-turned politician, napalaki lamang ang usapin dahil sa sinapit ni Gretchen Diez, isang transgender woman.

Naging laman ng mga balita si Diez noong nakaraang linggo dahil diumano’y nakaranas ng diskriminasyon sa kagustuhang pumasok sa restroom ng mga babae.

Continue reading below ↓

NOT IN FAVOR OF SOGIE BILL?

Naniniwala rin si Lapid na nabibigyan naman ng tamang karapatan ang LGBTQIA community.

“Kung ano ang karapatan ng lalaki’t babae, karapatan din nila, di ba… tomboy, bakla.”

Hindi ba sila nadi-discriminate?

“Hindi naman. Hindi naman, kasi mga bilyonaryo nga iyan, paano mo iaano?

“Kaya din nila magpagawa ng sarili nilang kubeta e, di ba?” natatawang sagot ng actor-politician.

Dagdag niya, “Ano lang naman iyon… toilet ang pinag-uusapan.

“Kaya naman nila [magpagawa], ang daming mayayaman.”

Bukod kay Lapid, ilan pa sa mga senador na hindi pumapabor sa SOGIE Bill ay sina Tito Sotto, Manny Pacquiao, at Joel Villanueva.

SENATOR LAPID APPROVES OF SEPARATE CR FOR LGBTQIA

Nauunawaan daw ni Senator Lapid ang agam-agam ng ibang mga babae na hindi kumportable na papasok sa restroom nila ang isang transgender.

“Siyempre alam nila lalaki pa rin ‘yan, e, di ba?

“Kaya kailangan meron sa tomboy, meron din sa ano…

“Bale apat na iyan. Tig-iisa sila—lalaki, babae, bakla, tomboy…”

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Lapid na may panganib kung hahayaang pumasok ang trans women sa comfort room para sa mga babae.

“Kung itutuloy yung sinasabi nilang yung mga kapatid na bakla, yung pupunta doon sa babae, e, ang daming magaling na magbakla-baklaan, e, di ba?

“Sabi ko nga kay Senate President [Tito], maging ang Tito, Vic, and Joey magaling gumawa diyan, e, sa totoo lang, sa pelikula...”

Binanggit din ni Lapid ang senaryo kung ang isang magandang tomboy raw ay pumasok sa restroom ng mga lalaki.

“E, kung yung tomboy yung pumasok sa amin, e, magandang tomboy, gusto nila, o di ba?

“E, di siyempre magkakamalisya din yung lalaki sa tomboy.”

Mungkahi ng senador pagdating sa restrooms: “Separate na lang para wala nang naaagrabyado, di ba?”

Naniniwala rin si Lapid na ang isyu sa SOGIE Bill ay dapat ibigay na lang sa local government.

Gaya na lang daw ng ginawa ng Quezon City na mayroong Gender-Fair Ordinance na ipinagbabawal ang diskriminasyon sa LGBTQIA.

Continue reading below ↓

“Hindi na siguro [kailangan ang SOGIE Bill].

"E, kamukha nga ng Quezon City, local lang iyon, pero nagawa nila.

“Hindi lang na-implement, dapat implement nila.”

Diin pa ni Lapid, “Kaya namang solusyunan ng mga local lang naman iyon, e, di ba?"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Lito Lapid on passage of SOGIE Bill: “Wala pa, pinag-aaralan pa namin kasi parang may masasagasaan ka diyan.”
PHOTO/S: Photo from News5 YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results