Sophia Corullo's mother painfully recalls last moments of child actress

by Jerry Olea
Aug 22, 2019
Child actress Sophia Corullo passed away due to dengue last Sunday, August 18, a day after her MMK episode was aired on ABS-CBN.
PHOTO/S: Jerry OIea / Facebook

Excited ang child actress na si Sophia Corullo—Niña Sophia Gabrielle C. Corullo sa tunay na buhay—na mapanood ang MMK noong Agosto 17, Sabado, kung saan kasama siya sa episode na pinagbidahan nina Yen Santos at Rafael Rosell.

Sophia Orcullo with Yen Santos, Rafael Rosell, and her other MMK co-stars

Continue reading below ↓

Ngunit sa kasamaang palad, namatay siya sa dengue sa edad na 6.

“Wala po kaming idea noon na may dengue siya,” malumanay na lahad ng 37-anyos niyang ina na si Angeli Corullo, na eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Agosto 22, Huwebes ng gabi, sa tabi ng kabaong ni Sophia.

Kuwento pa ng ina ni Sophia, “Nag-taping pa po siya ng last scene niya sa MMK noong Monday [Agosto 12].

"'Tapos, Tuesday [August 13], nag-periodical po siya sa school.

“Pagdating po ng madaling-araw, may lagnat po siya. Iyak siya nang iyak, kasi may lagnat siya.

“Pinainom ko po siya ng paracetamol. Paggising niya po, Miyerkules [August 14], medyo umokey na ang pakiramdam niya. Pero may sinat-sinat pa po.

“So, hindi ko po siya pinapasok sa school.

"Noong Thursday [August 15], Friday [August 16], nawala na po totally iyong lagnat niya. Pero pinagpahinga ko pa rin siya.

“Pabili siya nang pabili ng pagkain sa akin. Thursday, nag-Mang Inasal pa po kami.

Continue reading below ↓

"Kasi, sabi niyang ganoon, ‘Mommy, gusto kong ano...’

“Kasi, paborito niya sa Mang Inasal, iyong sabaw na maasim.

"Di po ba, may mga free sila na sabaw? Iniinom po niya iyon palagi,” mapait na pagngiti ni Mommy Angeli.

“'Tapos, pag naubos na niya iyon, mangungulit siya uli sa mga crew. ‘Sabaw! Sabaw!’

“Nang sumunod na araw, request po siya nang request ng pagkain.

"'Tapos, Saturday [August 17], nag-request po siya ulit, gusto niya raw, doughnut.

“Pumunta po kami sa Guadalupe. Bumili po kami ng doughnut, iyong parang lollipop na chocolate na doughnut.

"Nagpabili rin siya ng choco mallows.

“Noong Saturday na iyon, patitingnan ko dapat siya sa dentist.

"Kasi, nabungi siya noong nakaraang linggo rin. Para pagagawan ko po siya ng ipen.

“Kaya lang, sabi ko, matamlay siya.

"Iyong mga pinabibili niya po, tinitingnan lang niya. Hindi niya kinakain.

“E, wala pong health center noong Sabado. Sarado po pag Sabado, e.

Continue reading below ↓

"Kaya ginawa, idiniretso ko sa OsMak [Ospital ng Makati] para ma-check up siya.

"Lunchtime po iyon. Mga 12:00 or 1:00 [P.M.].

“'Tapos po, dire-diretso na po. Noong tiningnan po siya, mababa na iyong platelets niya.

“Sabi, i-admit daw po. ICU.

"'Tapos, ayun na po... dire-diretso na ang ano niya, ang panghihina niya..."

Continue reading below ↓

Mrs. Angeli Corullo, Sophia's mother

EXCITED TO WATCH HER MMK EPISODE

Alam ni Sophia na ilang oras na lang, ipapalabas ang MMK episode na kasama siya.

“Puro suwero na siya, maraming nakakabit sa kamay niya, pero gusto niyang lumabas ng ospital,” gumagaralgal na sambit ni Mommy Angeli.

“Sabi niya, ‘Mommy, uwi na tayo! Kasi, gusto kong makita ang mga kapatid ko. At manonood pa ako ng MMK.’

“Excited siyang makita iyong shinoot niya. Iyak na siya nang iyak. Kaya lang, ayaw siyang...

“Sabi ko, ‘Hindi pa puwede. Kasi, hindi ka pa magaling. Pag gumaling ka, puwede naman nating panoorin sa iWant.’

“Iyak lang siya nang iyak nang magdamag na iyon.

“Parang... mas nahirapan siya sa ano niya, e... marami kasing suwero.

“'Tapos, bandang... madaling-araw po ng Linggo, sabi, lalagyan siya ng catheter.

“Dire-diretso na... unconscious siya... hindi na siya nakauwi.”

Continue reading below ↓

Agosto 18, Linggo, matapos ang pananghalian, bandang 2 P.M., nalagutan ng hininga si Sophia.

SOPHIA'S BROTHER ALSO HAS DENGUE

Ang mas masaklap, matapos pumanaw si Sophia, napag-alaman ni Mommy Angeli na nilalagnat na ang dalawa pa niyang anak na sina Oliver at Bryan, kaya isinugod din sila sa ospital.

Continue reading below ↓

Nag-negative sa dengue si Oliver kaya pinalabas din. Under observation na lang kung magpo-progress ito sa dengue.

“Naiwan sa ospital si Bryan, iyong sinundan ni Sophia. Eight years old pa lang si Bryan,” sambit ni Mommy Angeli.

“Nag-positive si Bryan sa dengue. Palitan na nagbabantay sa kanya iyong tito niya at papa niya.

“Iyong bata po, pag hindi niya nakikita iyong papa niya, pag iba ang nagbabantay, malungkot po siya.

“Hindi siya sumusunod.”

Napakabigat ng pakiramdam ni Mommy Angeli.

“Nagluluksa kami rito. 'Tapos, may isa pa kaming inaalala.”

Inubu-ubo si Mommy Angeli, “Sorry po. Kagabi pa po ako ina-asthma.”

THEIR FAMILY'S NEW HOME

Nakaburol ang child actress sa tahanan ng kanyang lola sa may Brgy Poblacion, Makati City. Malapit ito sa likod ng Makati City Hall.

Kailan ililibing si Sophia?

“Baka Tuesday [August 27] po, ipa-cremate po namin,” matamang pakli ni Mommy Angeli.

Continue reading below ↓

“Gusto po sana naming ilibing. Kaya lang... dapat po, lilipat na kami ng bahay sa Tanza, Cavite next month.

“Si Sophia po talaga ang pinag-umpisahan ng bahay na iyon nang ipagawa namin.

“Excited na excited siya roon.

"Kasi, sabi pa namin sa kanya, ‘Hintayin mo na lang. Kasi, isang buwan na lang, lilipat na tayo.’

“Andami niyang plano. Sabi niya, ‘Mommy, gusto ko ng kulay pink na kuwarto.’ Iyon pala, hindi niya maaabutan.

“Kaya gusto namin, iuwi siya roon paglipat po namin sa September.

“Kaya ike-cremate namin. Para makita niya rin po...”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Child actress Sophia Corullo passed away due to dengue last Sunday, August 18, a day after her MMK episode was aired on ABS-CBN.
PHOTO/S: Jerry OIea / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results