Alden Richards reveals texting John Lloyd Cruz before shooting Hello, Love, Goodbye

by Rose Garcia
Aug 23, 2019
Alden Richards on blessing coming his way: "Nasu-surprise ka pa rin, yung mga panahong akala mo ay hanggang dito ka na lang, bigla na lang may bubulaga sa ‘yo..."
PHOTO/S: Courtesy of GMA Artit Center

Sunud-sunod ang blessings na natatanggap ng Kapuso star na si Alden Richards.

Highest-grossing movie ng 2019 so far ang Hello, Love, Goodbye nila ni Kathryn Bernardo.

Nag-taping na siya para sa bagong Kapuso primetime series na The Gift.

Inilunsad ang collaboration nila ng designer na si Avel Bacudio, ang Avel X Alden, nitong Agosto 22, Huwebes ng gab, sa Xylo, Taguig City.

Right timing lahat ng nangyayari sa kanya ngayon?

“Na naman ulit, naulit uli,” nakangiting sabi ni Alden sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Marami sa mga nakapanood ng Hello, Love, Goodbye ang nagkokomentong nakikita umano nila si John Lloyd Cruz kay Alden bilang aktor.

“Sobrang happy ko po,” nakangiting reaksiyon dito ni Alden.

“Sobrang happy ko po kasi, idol ko yun!”

Pagsisiwalat pa ni Alden, bago simulan ang shooting ng Hello, Love, Goodbye ay nag-text siya sa ngayo’y in hiatus pa ring aktor.

Continue reading below ↓

“Bago ko po sinimulan ang project, tinext ko siya.

"Sabi ko, 'Idan, gagawa ako ng project sa Star... si Direk Cathy ang director.

“Ang sabi niya lang sa akin, 'Ang importante, masaya ka.'

"Yun po ang sinabi niya sa akin."

Karamihan ng box-office hit movies ni John Lloyd ay si Cathy Garcia-Molina ang nagdirek.

Kabilang dito ang One More Chance (2007), A Very Special Love (2008), You Changed My Life (2009), Miss You Like Crazy (2010), It Takes A Man And A Woman (2013), at A Second Chance (2015).

RIGHT TIMING

Ang Avel X Alden ay isang halimbawa ng right timing para sa Pambansang Bae.

Ang karakter niya sa The Gift ay bulag, at ang beneficiary ng Avel X Alden ay ang mga bata sa Northern Luzon Association for the Blind sa La Trinidad, Benguet.

“Hindi naman magkausap ang AXA Team at ang GMA Creatives, so we want this collaboration to help with the advocacy of the blind kids in Baguio.

Continue reading below ↓

"And then, it turns out na iyung ipo-portray kong character sa The Gift, e, bulag,” lahad ni Alden.

“Walang nakakaalam, I mean, kahit ako, lately ko lang nalaman. Oo nga, ‘no, match.

"Ang galing lang, kasi lahat nagja-jibe ang mga ginagawa ko, at nararamdaman ko po na nasa tamang daan ako ngayon.

“And masayang-masaya ko and sobrang happy po ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon, sobra, grabe!

"As in, hindi ko na alam kung paanong saya ang gagawin."

Noong kasagsagan ng AlDub, hindi niya inakalang mangyayari yung mga nangyari noon.

Pero heto, tila mas solido pa ngayon ang nangyayari sa career niya bilang actor.

“Opo, three years after po, hindi talaga nauubusan ng regalo si Lord.

"Nasu-surprise ka pa rin, yung mga panahong akala mo ay hanggang dito ka na lang, bigla na lang may bubulaga sa ‘yo... Eat Bulaga sa ‘yo.

Continue reading below ↓

"Hindi ko ine-expect na magiging ganito ‘to.”

Papuntang Seoul, South Korea si Alden sa Agosto 27 para tumanggap ng award sa Seoul International Drama Awards.

Aniya, “Excited ako dun, kasi I’ve never been to Korea, first time ko.

"So, ang sarap lang din na makaka-receive tayo ng award from them."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on blessing coming his way: "Nasu-surprise ka pa rin, yung mga panahong akala mo ay hanggang dito ka na lang, bigla na lang may bubulaga sa ‘yo..."
PHOTO/S: Courtesy of GMA Artit Center
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results