Claudine Barretto replies to netizens asking about her relationship with sister Gretchen, Mommy Inday

by Bernie V. Franco
Aug 23, 2019
Claudine Barretto (center) defends sister Gretchen (left) from bashers and speaks up about relationship with mom Inday Barretto (right).
PHOTO/S: @juansarte, @pornstar_roviel, and @marjbarretto on Instagram

Todo ang moral support na ibinibigay ni Gretchen Barretto sa nakababatang kapatid na si Claudine Barretto, na tila may pinagdadaanan ngayon.

Sentimental at makahulugan kasi ang recent Instagram posts ni Claudine.

Kadalasan, nag-iiwan ng words of encouragement si Gretchen sa comments section para sa nakababatang kapatid.

Napaulat ang pagbabati nina Claudine at Gretchen noong March 2019, pagkatapos ng anim na taong alitan.

Pero hindi lahat ng tao ay masaya sa kanilang pagbabati.

Ang iba, sinasabing “bad influence” daw si Gretchen kay Claudine.

Bukod sa paratang na ito, kung anu-ano pang masasakit na salita ang ipinupukol ng bashers kay Gretchen.

Pero sa isang recent comment, ipinagtanggol ni Claudine ang kanyang ate.

Ayon kay Claudine, “mabait” at “totoo” si Gretchen.

Nangahas ding itanong ng isang netizen kung maayos pa rin ang relasyon ni Claudine sa kanyang ina, ngayong magkabati na ang aktres at si Gretchen.

Hindi lingid sa showbiz na may matagal nang hidwaan si Gretchen sa kanyang mga magulang na sina Miguel at Inday Barretto.

Continue reading below ↓

CLAUDINE ON RELATIONSHIP WITH GRETCHEN, MOMMY INDAY

Noong August 12, may sentimental post din si Claudine tungkol sa pagkakaroon ng pinagdadaanan.

Ipinost ni Claudine ang bahagi ng tula mula sa librong The Nectar of Pain ni Najwa Zebian, isang Lebanese-Canadian activist at author.

Ang tula ay tungkol sa “disappointment” na natamo pagkatapos ibigay ang lahat sa taong minamahal.

Continue reading below ↓

Sa comments section, nag-iwan ng words of comfort si Gretchen.

Comment niya: “I feel you, my baby [heartbroken emoji] come to me & let me give you a tight embrace. All will be well [praying hands emoji]”

Sa mga sumunod na komento, may mga nam-bash kay Gretchen at inakusahan pa siyang bad influence kay Claudine.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May ilang netizens ding nagtanggol sa magkapatid.

Pero kapansin-pansin ang dalawang komentong sinagot ni Claudine.

Una, ang pagtatanggol niya kay Gretchen.

Ikalawa, ang estado ng relasyon niya sa kanyang ina.

Sinang-ayunan ni Claudine na mabait si Gretchen at halatang proud siya sa ate niya.

Sabi ni Claudine (published as is): “sobra bait. sana alam ng mga tao.diba mas maganda yung totoo ka? Yun ang ate ko. Kung ayaw ng iba wag na nila i follow.”

Continue reading below ↓

Nilinaw rin ni Claudine na kahit magkabati na sila ni Gretchen, maayos pa rin ang relasyon niya sa ina.

Sagot ni Claudine (published as is): “ok kami ng mommy ko.di ko lang ugali i Post yung mga picture for IG purposes na happy kami.”

Continue reading below ↓

Hindi rin lingid sa showbiz na kaalitan nina Gretchen at Claudine ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie Barretto.

Sa isyung kinasasangkutan ng anak ni Marjorie na si Julia Barretto, na inakusahang third party sa paghihiwalay nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, mas kumampi sina Gretchen at Claudine kay Bea.

Continue reading below ↓

CLAUDINE GOING THROUGH A PROBLEM?

Recently rin ay may mga sentimental post si Claudine.

Nag-post siya kamakailan ng isang quote tungkol sa pagiging “broken.”

Ayon sa quote: “You walk around trying to fix everything, but you’re the one who’s broken.”

Simpleng caption ng aktres sa kanyang post: “This me getting so tired.”

Wala nang iba pang paliwanag si Claudine kung ano ang kanyang pinagdadaanan.

Continue reading below ↓

Sa comments section, unang nagkomento ang kaibigan niyang si Tina Marie Yan, kapatid ng pumanaw na aktor na si Rico Yan, dating boyfriend ni Claudine.

Sabi ni Tina: “And that’s ok Claude. We are human. You are so loved [hearts and kiss emoji] Don’t forget what I told you. @claubarretto”

Sumegunda rito si Gretchen: “@tinamarieyan Thank you tins [heart emoji]

“its okay to be tired. Keep moving forward my baby. We [heart emoji] you [hands praying emoji]”

Continue reading below ↓

CLAUDINE’S REPLY TO A BASHER

Hindi malinaw kung emosyunal o pisikal ang pinagdadaanan ni Claudine.

Dahil bukod sa sentimental posts niya, nabanggit din ng aktres kamakailan na pumunta siya sa ospital.

Noong nakaraang linggo, nag-post si Claudine ng pasasalamat sa kuya niyang si JJ Barretto dahil sa pagsama nito sa kanya sa ospital.

Hindi tinukoy ni Claudine kung ano ang ginawa niya sa ospital, pero sinabi nitong “Scared & Anxious” siya. Mabuti na lang daw at sinamahan siya ng kanyang kuya.

Binanggit din ni Claudine na maayos ang relasyon nilang mag-kuya sa kabila ng mga pinagdaanan ng kanilang pamilya.

Sa comments section, may isang netizen na sinabihan si Claudine na magpakatino na siya.

Sabi pa ng netizen, ang aktres daw ang dahilan kung bakit nag-aaway-away silang magkakapatid at mina-manipulate ang kanilang mga magulang.

Sumagot si Claudine at halatang may pinapatamaang tao sa kanyang sagot.

Makahulugang sagot ni Claudine sa basher (published as is): "talaga? Ako? Galing mo naman pwede kang script writer.ay GHOST WRITER PALA! Get a life at wag yung may asawa ok?”

Continue reading below ↓

Hindi tiyak kung ang tinutukoy niya bang "GHOST WRITER" ay ang kapatid na si Marjorie.

Matatandaang naging malaking isyu ang pagdagdag ni Marjorie ng "GHOST WRITER" sa kanyang Instagram bio.

Ito ay matapos akusahan ni Gretchen na may "ghost writer" ang pamangking si Julia Barretto sa inilabas nitong statement sa Instagram kaugnay ng pagkakasangkot ng young actress sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Binura ni Marjorie ang "GHOST WRITER" sa kanyang Instagram bio matapos ilagay ni Gretchen ang "Ghost Buster" sa kanyang Instagram bio.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (center) defends sister Gretchen (left) from bashers and speaks up about relationship with mom Inday Barretto (right).
PHOTO/S: @juansarte, @pornstar_roviel, and @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results