Directors Andoy Ranay and Noel Escondo are now engaged

by Jet Hitosis
Aug 23, 2019
Short film director Noel Escondo (right) says "yes" to Direk Andoy Ranay's (left) wedding proposal this Friday, August 23, while they are on vacation in New Zealand.
PHOTO/S: @andoyr1973 on Instagram

Engaged na ang kapwa direktor na sina Andoy Ranay at Noel Escondo.

Ito ang inanunsiyo ni Direk Andoy sa Instagram ngayong Biyernes, August 23, sa ipinost niyang video at mga litrato nang mag-"yes" si Direk Noel sa kanyang marriage proposal.

Makalipas ang ilang minuto, nag-post din ng kanyang announcement sa engagement ang malapit nilang kaibigang si Angelica Panganiban.

Ilang araw nang nasa New Zealand ang tatlo para magbakasyon.

Saad sa caption ng direktor: “HE SAID YES!!!! (three hearts emoji) I love you so much @noelescondo (three hearts emoji).”

View this post on Instagram

HE SAID YES!!!! ♥?♥?♥? I love you so much @noelescondo ♥?♥?♥?

A post shared by Andoy Lastrilla Ranay (@andoyr1973) on

Caption naman ni Angelica sa litrato nilang tatlo habang nasa Mount Sunday:

“The only reason why I went to New Zealand (heart emoji) To witness and celebrate true love (two intertwined hearts emoji)

"congratulations to the newly engaged couple @andoyr1973 & @noelescondo I love you both."

Pareho namang dinagsa ng pagbati sa newly-engaged couple ang mga post nina Direk Andoy at Angelica.

Continue reading below ↓

Kabilang sa celebrities na unang nag-congratulate kina Direk Andoy at Direk Noel sina Direk Antonette Jadaone, Lorna Tolentino, Alessandra de Rossi, Gabby Eigenmann, Ketchup Eusebio, Candy Pangilinan, Kiefer Ravena, at Joanna Ampil.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

“HE IS MY LOVE”

July 7, 2018 nang ihayag ni Direk Andoy, sa pamamagitan ng isang Instagram post, ang relasyon nila ng kapwa direktor.

Tampok ang litratong kapwa sila may hand-painted rainbow flags sa pisngi, maikli ang sweet na caption ng ABS-CBN resident director: “He is my love! [heart emojis] @noelescondo.”

Nagkomento naman ni Direk Noel sa nasabing post ni Direk Andoy: “And you are mine.”

June 29, 2019 nang muling ipinost ni Direk Andoy ang nasabing litrato nila upang batiin si Direk Noel ng “Happy 1st year anniversary.”

Nasa likod ng matatagumpay na teleseryeng Since I Found You (2018) at The Good Son (2017), si Direk Andoy ang nagdidirek ngayon sa iWant digital series ni Angelica na Call Me Tita.

Isa namang short-film director si Noel, na co-director ng Nakaw, na lumahok sa 70th Cannes Film Festival Short Film Corner sa France noong Mayo 2018.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Short film director Noel Escondo (right) says "yes" to Direk Andoy Ranay's (left) wedding proposal this Friday, August 23, while they are on vacation in New Zealand.
PHOTO/S: @andoyr1973 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results