Paolo Ballesteros longs for a lifetime partner

by Rey Pumaloy
Aug 24, 2019
Paolo Ballesteros: "Gusto ko rin na may makasama sa buhay, may love life."
PHOTO/S: Noel Orsal

Balewala kay Paolo Ballesteros ang anumang sasabihin ng iba tungkol sa kanyang pagiging gay.

“Ano, maiinsulto tayo sa trophy? Charing!” malakas na tawa ng 36-anyos na si Paolo nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng pelikulang The Panti Sisters nitong Agosto 20, Martes, sa Dong Juan restaurant, Mother Ignacia, Quezon City.

Open si Paolo sa ideya na magkaroon ng lifetime male partner at ikasal sa kapwa niya lalaki.

“Oo, gusto ko rin na may makasama sa buhay, may love life.”

Naisip ba niyang makipagrelasyon at pakasal sa babae?

“Siyempre, hindi!” mabilis na sagot ni Paolo sabay irap.

May anak si Paolo sa dating nakarelasyong babae. Nami-miss ba niyang magkaroon ng dyowang babae?

“Hindi.”

Anong preference niya sa lalaking karelasyon... bisexual?

“Hindi, ano... versa, eme!” natatawang sagot niya.

Na-link si Paolo sa isang dancer, sa vlogger-actor na si Sebastian Castro, at sa isang may codename na Siopao.

Nakailang months sila ng huling boyfriend niya?

Continue reading below ↓

“Three... Charing! Sinagot! E, ganon, wala!” tawa ni Paolo kasunod ang pagkibit-balikat.

Mahirap ang i-handle ang pagiging artist niya?

Napakunot-noo si Paolo bago sumagot, “Hindi naman, depende sa tao yun... siguro.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros: "Gusto ko rin na may makasama sa buhay, may love life."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results