Ellen Adarna is back via “mommy makeover” endorsement

by Arniel C. Serato
Aug 24, 2019
After the alleged breakup with live-in partner John Lloyd Cruz, Ellen Adarna is making a comeback via an eyebrow procedure endorsement.
PHOTO/S: Courtesy: @prettylooksph on Instagram

Pagkatapos ng dalawang taon, muling nagbabalik-showbiz si Ellen Adarna sa pamamagitan ng isang eyebrow endorsement.

Ellen Adarna

Sa video na ibinahagi ng isang aesthetic center, makikita ang very slim na si Ellen na kausap ang may-ari ng nasabing kumpanya.

Ellen Adarna

Continue reading below ↓

Nabanggit sa usapan nila ang "mommy makeover" para sa aktres.

Sinabi rin ni Ellen na lumipad pa siya mula Cebu patungong Maynila para sa retouch ng kanyang brows.

Sa tanong kung anong pinagkakaabalahan niya, sinabi nitong busy siya "being a mom."

BREAKUP WITH JOHN LLOYD CRUZ

Nitong unang linggo ng Agosto, ibinalita dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na Hunyo pa lamang nitong taon ay nagkakalabuan na diumano sina Ellen at ang live-in partner nitong si John Lloyd Cruz.

Continue reading below ↓

Sa birthday ng panganay nilang si Elias Modesto noong nakaraang June 27, "co-parenting" na lamang daw ang status ng dalawa.

Ayon pa sa mga balita, si Ellen diumano ang nakipaghiwalay sa aktor dahil "too weird" na raw ang inaasal nito at hindi na niya naiintindihan.

Kalaunan, pumutok naman ang balitang nagsampa umano sa local court sa Cebu si Ellen ng Temporary Protection Order (TPO) laban sa dating kinakasama.

Ngunit, may isa namang source na nagsabing hindi TPO ang pakay ni Ellen sa korte kundi para ayusin ang estate ng namayapang amang si Alan Modesto Adarna.

Ang pamilya ni Ellen ang nagmamay-ari ng chain of motels na Queensland, na mayroong branches sa Manila, Cebu, at Davao.

Nitong nakaraang araw lamang, isa namang cryptic post ang ibinahagi ni John Lloyd sa kanyang Instagram na lalo pang nagpainit sa usapin nang hiwalayan.

Gayunpaman, walang kumpirmasyon mula sa dalawa tungkol dito.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa maaring ihayag nina Ellen at John Lloyd tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After the alleged breakup with live-in partner John Lloyd Cruz, Ellen Adarna is making a comeback via an eyebrow procedure endorsement.
PHOTO/S: Courtesy: @prettylooksph on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results