Winwyn Marquez reacts to new relationship of ex-boyfriend Mark Herras

by Arniel C. Serato
Aug 24, 2019
Winwyn Marquez on ex-boyfriend Mark Herras and Nicole Donesa: "let them be"
PHOTO/S: @teresitassen / @gmanetwork on Instagram

Napilitang magkomento si Winwyn Marquez tungkol sa bagong karelasyon ng ex-boyfriend nitong si Mark Herras dahil sa bashers.

Umamin si Mark na girlfriend na niya ang newbie actress na si Nicole Donesa.

Nagkasama sina Mark at Nicole sa kakatapos lamang na teleserye ng GMA-7 na Bihag.

Ngunit bago pa man ang pag-amin nina Mark at Nicole, matagal nang napabalitang may namumuong relasyon sa kanila dahil sa sweet moments na ibinahagi nila sa kani-kanilang accounts sa Instagram.

Noong August 5, sa isang post ni Winwyn, may dalawang netizens na nagkomento tungkol sa bagong karelasyon ni Mark.

Sabi ni @rester212: “ANG HEALTHY AT BLOOMING MO TIGNAN NGAYON!!! LAKING TULONG YUNG MAWALA KAY @herrasmarkangeloofficialhahaha MAY JOWA NA BAGO AGAD HAHAHA WYNWYN DEADMA SA GANDA NIYA NGAYON.”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni @epukbaho: "@rester212 @teresitassen PUSH ANG PAGIGING BLOOMING AT MAG MOVE NA KAY @herrasmarkangeloofficial HINDI PURO PAPANSIN MAHIYA HIYA KA NAMAN KAY @nicole_donesa BAKA ASAHIN MO NA NAMAN.”


Tumugon dito si Winwyn.

Sagot ng actress-beauty queen (published as is): “@epukbaho ay push pa natin if blooming haha and asahin? ano yun?

Continue reading below ↓

“If @herrasmarkangeloofficial and @nicole_donesa is happy then let them be.

“and if wala ka magawa @rester212 stop commentinh on my feed.”

Dagdag pa niyang mensahe sa dalawa: “@epukbaho @rester212 two new accounts please mag away kayo sa ibang feed.”

Pebrero nitong taon umamin si Winwyn na hiwalay na sila ni Mark.

Continue reading below ↓

Wala raw third party sa kanilang hiwalayan.

Sa panig naman ni Mark, sinabi niyang hindi na healthy ang relasyon nila ng girlfriend kaya naghiwalay sila.

Tatlong taon din ang itinagal ng kanilang relasyon.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Winwyn Marquez on ex-boyfriend Mark Herras and Nicole Donesa: "let them be"
PHOTO/S: @teresitassen / @gmanetwork on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results