Gerald Anderson's mom lashes out at Bea Alonzo; tells Julia Barretto not to fall for the actor

by Arniel C. Serato
Aug 24, 2019
Mrs. Evangeline Opsima, mother of actor Gerald Anderson (center), speaks up about the controversy involving her son, Bea Alonzo (right), and Julia Barretto (left).
PHOTO/S: Julia Barretto Instagram / Noel Orsal / Bea Alonzo Instagram

Nagsalita na rin ang ina ni Gerald Anderson, 30, na si Evangeline "Vangie" Opsima tungkol sa kontrobersiyal na breakup ng anak at ng nobya nitong si Bea Alonzo, 31.

Sa panayam kay Mommy Vangie ng TV Patrol South Central Mindanao na umere kahapon, August 23, naglabas ito ng hinanakit laban kay Bea.

Hindi na raw matiis ni Mommy Vangie ang mga balitang lumalabas laban kay Gerald matapos ang breakup nito kay Bea.

Pahayag ng ina ng Kapamilya actor, “Hindi ka niya binastos kailanman.

"Kahit hindi niya alam na nag-a-argue kami ni Gerald laban sa 'yo dahil ayaw nga kita para sa kanya.

“Ngayon, ganito na lang gawain mo sa kanya, binabasura mo ang bata?

“Lagi mong pinapatamaan ang anak ko.

“Ano na ba kasama si Gerald?”

Bukod dito, kinastigo rin ng ina ni Gerald ang make-up artist ni Bea na may mga masasama rin daw sinasabi laban sa aktor.

Continue reading below ↓

Saad ni Mommy Vangie, “Isa pa hindi ko nagugustuhan, pati make-up artist mo, magbitaw ng salita laban sa anak ko.

“Hindi naman ako puwedeng manahimik sa mga lumalabas na isyu, lalo na si Bea na humaharap talaga sa TV.”

ON JULIA BARRETTO

Hindi rin pinalampas ng ina ni Gerald na magsalita tungkol sa nali-link ngayon sa anak na si Julia Barretto, 22.

Si Julia ang itinuturong third party sa hiwalayan nina Gerald at Bea.

Mensahe ni Mommy Vangie kay Julia, “Hindi ko nga sinasabi na ayaw kita. No.

“Ang akin lang, advice ko lang sa 'yo, please, ayaw ko kasi may edad na rin Gerald sa 'yo.

“Hindi rin kayo magtagal dahil alam ko nasa industriya ka rin.”

Walong taon ang tanda ni Gerald kay Julia.

Mapapanood ang panayam sa ina ni Gerald bandang 20:45 ng video na ito:

Continue reading below ↓

BEA-GERALD-JULIA ISSUE

Sa pagputok ng balitang hiwalayan nina Gerald at Bea, si Julia ang itinuturong dahilan o third party.

Nagkapareha sina Gerald at Julia sa pelikulang Between Maybes, na ipinalabas noong Mayo 2019.

Si Bea mismo ang nag-anunsiyo sa panloloko diumano sa kanya ni Gerald sa pamamagitan ng isang cyptic post sa Instagram.

Ito ay matapos mag-viral ang mga larawan at videos nina Gerald at Julia na dumalo sa birthday party ni Rayver Cruz sa Bonifacio Global City, Taguig.

Hindi rin nagpatinag si Bea sa pagla-like sa mga post ng fans niya ng sightings nina Gerald at Julia.

Sa isang panayam, sinabi ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald dahil basta na lamang daw siyang hindi kinausap ng aktor.

Sa panayam naman kay Gerald, itinanggi nitong may kinalaman si Julia sa breakup nila ni Bea.

Sa pamamagitan ng Instagram, mariin ding itinanggi ni Julia na may relasyon sila ni Gerald. Inakusahan din niya si Bea ng pambu-bully.

Sa panayam ni Julia kamakailan lamang, iginiit niyang wala siyang inahas at wala silang relasyon ni Gerald.

Continue reading below ↓

Taliwas ito sa report ng Cabinet Files na inamin na umano ni Gerald sa ama ni Julia na si Dennis Padilla na nililigawan nito ang aktres.

Sa isang recent intreview, kinumpirma ni Dennis na nagkausap sila ni Gerald sa telepono, ngunit hindi nito direktang binanggit ang tungkol sa panliligaw diumano ng aktor sa kanyang anak.

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa maaaring ihayag ng mga taong nabanggit sa artikulong ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mrs. Evangeline Opsima, mother of actor Gerald Anderson (center), speaks up about the controversy involving her son, Bea Alonzo (right), and Julia Barretto (left).
PHOTO/S: Julia Barretto Instagram / Noel Orsal / Bea Alonzo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results