Better-looking John Lloyd Cruz gets positive feedback from netizens

by Bernie V. Franco
Aug 28, 2019
JOHN LLOYD CRUZ'S NEW LOOK? A fan of John Lloyd posts some recent photos of the actor on Instagram. John Lloyd sports a shorter hair and beard, and has a big grin on his face.
PHOTO/S: @lloydiebeaforever on Instagram

Umani ng positibong reaksiyon mula sa kanyang fans ang mga bagong larawan ng aktor na si John Lloyd Cruz na nai-post sa social media.

Kapansin-pansin ang mas maaliwas na mukha ni John Lloyd, na nakangiti sa mga larawang ito.

Malayo ito sa mga dati niyang kuha na mahaba ang buhok at makapal ang balbas.

Pero sa mga larawang ipinost ni @lloydiebeaforever sa Instagram, kapansin-pansin ang malaking pagkakaiba sa hitsura ng aktor.

Bakas din sa mukha ni John Lloyd ang pagiging masaya.

Continue reading below ↓

Makikita rin sa larawan na may karga siyang bata na hindi kita ang mukha.

May kasamang dalawang babae si John Lloyd sa mga larawan.

Ayon sa netizen na nag-upload, recent umano ang mga kuhang ito ng aktor.

Ipinost ang mga larawan bandang tanghali ngayong Miyerkules, August 28.

Continue reading below ↓

Sa comments section, sinagot ng netizen na nag-post ng larawan ang ilang tanong mula sa kanyang followers.

Ayon sa nag-upload, ang kargang bata ni John Lloyd ay ang anak umano nila ni Ellen Adarna na si Elias Modesto.

Ang isang babae sa larawan ay personal assistant umano ng aktor.

Continue reading below ↓

JOHN LLOYD DOING A NEW PROJECT?

Kamakailan din ay ipinost ng parehong netizen ang ilang larawan ni John Lloyd na tila nasa set ng isang shooting.

Mahaba pa ang balbas ng aktor sa mga larawang ito.

Makikita si John Lloyd na nakasuot ng cowboy hat at white polo shirt na pinatungan ng gray chaleco.

Parang umaakto si John Lloyd na isang ventriloquist na may hawak na puppet.

Sa likod ng aktor ay may puting tela at nakasulat dito ang “Amazing HA Hernando Show.”

Sa mga sumunod pang kuha ay makikita na may crew at film equipment.

Walang detalye kung para saan ang sinu-shoot ni John Lloyd.

Iniisip naman ng ibang netizen na pelikula ang ginagawa ng aktor.

Continue reading below ↓

Halos dalawang taon na ang nakalilipas mula nang ianunsiyo ni John Lloyd ang kanyang indefinite leave mula sa showbiz.

Nag-focus si John Lloyd sa kanyang personal life kasama si Ellen, na nagpahinga rin sa showbiz.

Kasunod nito ang ulat ng PEP.ph noong November 18, 2017 na buntis si Ellen at si John Lloyd ang ama.

Hanggang kinumpirma ng abogado nina Ellen at John Lloyd na si Atty. Rebo Saguisag na nanganak si Ellen noong June 27, 2018.

Sa kabila ng mga bali-balitang pagbabalik-showbiz ng aktor, naging visible lamang siya recently dahil sa pinakahuling endorsement niya na brand ng shawarma.

Pero bukod dito ay hindi pa lumalabas muli si John Lloyd sa anumang TV program o pelikula.

Kamakailan ay pumutok ang balitang hiwalay na diumano sina John Lloyd at Ellen, ngunit wala pang direktang kumpirmasyon mula sa dalawa.

Read Next
Read More Stories About
John Lloyd Cruz
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JOHN LLOYD CRUZ'S NEW LOOK? A fan of John Lloyd posts some recent photos of the actor on Instagram. John Lloyd sports a shorter hair and beard, and has a big grin on his face.
PHOTO/S: @lloydiebeaforever on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results