Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Janno Gibbs "wasn't invited" to promote his movie on ABS-CBN shows

by Jet Hitosis
Aug 29, 2019
Janno Gibbs says he is "not invited" to promote his movie, Sanggano Sanggago't Sanggwapo, on ABS-CBN programs, while his co-stars Dennis Padilla and Andrew E. are expected to appear on a number of Kapamilya shows, including Tonight With Boy Abunda which was aired on Wednesday night, August 28.
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram

“Wasn’t invited.”

Ito ang maikling sagot ni Janno Gibbs sa tanong ng isa niyang fan kung bakit hindi siya kasama nina Dennis Padilla at Andrew E. sa pagpu-promote ng pelikula nilang Sanggano, Sanggago’t Sangguwapo sa mga programa ng ABS-CBN.

Sa Instagram ngayong Huwebes, August 29, ipinost ni Janno ang litrato nina Dennis at Andrew kasama si Boy Abunda.

Kuha ito nang mag-guest ang dalawa sa Tonight With Boy Abunda nitong Miyerkules ng gabi, August 28.

Kasama rin sa nasabing post ang isa pang litrato—ang screenshot ng tanong ng isang fan ni Janno kung bakit sina Dennis at Andrew lang ang nagpo-promote ng kanilang pelikula sa shows ng ABS-CBN.

Bilang sagot sa fan, inisa-isa ni Janno sa caption shows sa ABS-CBN kung saan mapapanood sina Dennis at Andrew para i-promote ang kanilang pelikula.

Nagpasalamat si Janno sa caption: “Thanks for watching My Kumpares Andrew and Dennis promoting our movie on Minute to Win it, Showtime, TWBA and this Sunday on ASAP (three thumbs up).

Continue reading below ↓

“#SangganoSanggagotSanggawapo Showing Sept 4 in cinemas.”

Maraming nagkomento sa nasabing post ni Janno ang nagtanong kung bakit hindi siya kasama nina Dennis at Andrew sa pagpu-promote sa ABS-CBN ng kanilang pelikula.

Dalawang netizens ang direktang sinagot ni Janno na hindi siya invited.

Continue reading below ↓

Nakisimpatiya naman kay Janno ang iba pa niyang fans, na sinagot na lang ng actor-singer ng upset face emoji.

Isa pang Instagram follower ni Janno ang nagtanong kung “may bad blood po ba kayo ng ABS?” dahil “parang lagi ka nilang iniitchapuwera.”

Hindi ito sinagot ng singer-comedian.

Continue reading below ↓

Isa namang netizen ang nag-ugnay sa nangyayari sa dating social media post ni Janno tungkol sa hindi pagkakasama ng singer-actor sa Kapamilya Christmas Station ID noong 2018.

Hindi rin sinagot ni Janno ang netizen.

JANNO’S POST ABOUT EXCLUSION FROM KAPAMILYA STATION ID

November 18, 2018 nang nag-post sa Instagram si Janno tungkol sa hindi niya pagkakasama sa Christmas Station ID ng ABS-CBN, gayong nakapirma siya bilang Star Music artist.

Continue reading below ↓

September 12 nang taong iyon nang pumirma si Janno ng kontrata sa Star Music.

Matatandaang may mga sumuporta at may mga kumontra sa nasabing post ni Janno, na kalaunan ay dinelete niya.

Ang paliwanag ng ABS-CBN noon, pawang Kapamilya artists na may regular shows lang sa network ang nakasama sa Christmas Station ID, ayon sa media reports.

Continue reading below ↓

Nang mga panahong iyon, kakalipat lang sa ABS-CBN ng kaibigan ni Janno na si Regine Velasquez, kasunod ng asawang si Ogie Alcasid, na naging Kapamilya noong January 2017.

Thirty years na GMA-7 talent si Janno bago siya lumipat sa TV5 noong 2015.

Napanood pa siya sa isang teleserye sa GMA noong 2017, hanggang sa lumabas na siya sa ilang ABS-CBN shows sa huling bahagi ng taong iyon.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) para mailathala ang panig ng ABS-CBN tungkol sa isyung ito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs says he is "not invited" to promote his movie, Sanggano Sanggago't Sanggwapo, on ABS-CBN programs, while his co-stars Dennis Padilla and Andrew E. are expected to appear on a number of Kapamilya shows, including Tonight With Boy Abunda which was aired on Wednesday night, August 28.
PHOTO/S: @jannolategibbs on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results