Aiko Melendez calls out Congressman Alfred Vargas for error in proposed no-homework policy

by Arniel C. Serato
Aug 29, 2019
Aiko Melendez to QC Representative Alfred Vargas: "Cong Alfred sana sa susunod bago pumirma ng batas idouble check naman kasi buhay namen mga tax payers at mga ordinaryong mamayan ang maapektuhan."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Alfred Vargas on Facebook

Kahit may pumuri, binatikos ng marami, lalo na ng mga guro, ang panukalang batas ni Second District Quezon City Representative Alfred Vargas na naglalayong huwag bigyan ng assignments ang elementary at high school students tuwing weekends.

Layon din ng House Bill 3883 na ma-enjoy ng estudyante ang kanilang free time sa weekends kasama ang pamilya.

Pero inangalan ng netizens at maraming guro ang isa sa probisyon ng panukalang batas.

Nakasaad dito na pagbabayarin ang mga guro ng P50,000 multa o kaya ay papatawan ng dalawang taong pagkakakulong kapag napatunayang nagkasala.

Dahil sa batikos na inani ng probisyon sa nasabing panukalang batas, kumambiyo si Congressman Vargas at humingi ng dispensa.

Nagkamali lamang daw ang kanyang opisina, dahil walang penalty ang mga gurong hindi susunod kapag maisabatas na ito.

Bahagi ng pahayag ni Congressman Vargas ngayong Huwebes, August 29:

“Ito po ay isang technical error at iwinawasto na po ng ating opisina.

"Kung inyo pong susuriin, mapapansin na may dalawang Section 4 na nakasama sa panukalang batas.

Continue reading below ↓

"Ito po ang pagkakamaling nagawa.

"Tama po kayo, hindi ito isang krimen na kailangan ng kaparusahan.

"Tayo po ay gumagawa na ng hakbang upang iwasto ang naturang pagkakamali.”

AIKO MELENDEZ REACTS

Sa kanyang Facebook account ngayong Huwebes ng hapon, inalmahan din ng Prima Donnas star na si Aiko Melendez ang pagkakamali ng opisina ni Congressman Vargas sa pagpataw ng multa sa nasabing panukala.

Continue reading below ↓

Parehong taga-ikalawang distrito ng Quezon City sina Alfred at Aiko, na nanilbihan din bilang mga konsehal sa parehong lugar.

Sabi ni Aiko (published as is):

“Nagkamali daw pala ang opisina ni Cong Vargas.

“My take on this oo walang perpekto sa mundo.

“Pero ang pagkakamali sa isang batas na nais mo ipasa para sa bayan ay hindi biro.

“At naawa ako na ang mga guro Naten na halos kakarampot na nga ang sweldo meron pa na multa na 50k.

“Ako po ay me kapatid na guro.

“Bagamat guro sya sa International School at medyo nakaka angat ang sweldo sa mga guro sa public schools, Hindi pa dn tama na sila ang magdusa at magmulta.

“Ngayon babawiin nagkamali ang opisina.

“Cong Alfred sana sa susunod bago pumirma ng batas idouble check naman kasi buhay namen mga tax payers at mga ordinaryong mamayan ang maapektuhan.

Continue reading below ↓

“May this be the last bill na magkakamali ang opisina mo. #justsaying.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez to QC Representative Alfred Vargas: "Cong Alfred sana sa susunod bago pumirma ng batas idouble check naman kasi buhay namen mga tax payers at mga ordinaryong mamayan ang maapektuhan."
PHOTO/S: Noel Orsal / Courtesy: Alfred Vargas on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results