Is Sunshine Dizon willing to give love a second chance?

by Bernie V. Franco
Aug 29, 2019
Kapuso actress Sunshine Dizon reveals her conditions before giving someone a second chance.
PHOTO/S: Noel Orsal

“Ang hirap sagutin, e. Hahaha!”

Ito ang natatawang sabi ni Sunshine Dizon nang matanong kung naniniwala ba siya sa pagbibigay ng second chance pagdating sa pag-ibig.

“Nagpapakatotoo lang ako,” pagpapatuloy ng 36-anyos na Kapuso actress.

“Mahirap ‘yang sagutin, honestly.

“But I always try to look at the positive side of life.

"And if it’s really the right time, then it will happen, di ba?

“It’s something that will innately happen. Hindi mo kailangang sadyain.”

Natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine tungkol dito sa presscon proper ng Throwback Pag-ibig, ang month-long daily series para Wagas ng GMA Network.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City, ngayong Huwebes, August 29.

Taong 2016 nang naging malaking balita ang paghihiwalay ni Sunshine at asawa nitong si Timothy Tan dahil sa diumano’y pangangaliwa ng huli.

Ang itinuturong third party ay ang babaeng nagngangalang Clarisma Sison.

Continue reading below ↓

SUNSHINE ON GIVING A SECOND CHANCE

Sa presscon, inusisa si Sunshine kung ano ang mga bagay na dapat gawin ng isang tao para bigyan niya ito ng second chance.

Sagot niya, “Palagay ko, talagang effort.

"And ako, I do believe it takes two to tango, so it has to work both ways.

“And ultimately, forgiveness.

"Kasi kapag may konti pang bitterness, it will not work.

“'Tsaka actually, based on the story… charot. Hahaha!” sabay kabig ni Sunshine, indikasyon na ibinabaling na niya ang atensiyon sa tinatampukang proyekto.

COMPLICATED RELATIONSHIP WITH HUSBAND

Sa panayam kay Sunshine pagkatapos ng presscon proper, sinabi niyang “complicated” ang status ng relasyon nila ng kanyang asawa.

Pero nananatili silang civil para sa kanilang dalawang anak.

Noong March 2019, magkasama pa sina Sunshine at Timothy na dumalo sa magkahiwalay na moving-up ceremony ng kanilang dalawang anak.

Noong February 2019, sa interview ng PEP kay Sunshine ay sinabi nitong patuloy na dinidinig ang kaso niya laban kay Clarisma.

Continue reading below ↓

Pero hindi tinukoy ng aktres kung concubinage pa rin ba ang kasong isinampa niya laban kay Clarisma o nag-iba na ito.

Sa isa pang interview niya noong January 2019, inamin ni Sunshine na may agam-agam siya sa pagsasampa ng annulment case sa pagitan nila ni Timothy.

Sabi noon ni Sunshine sa interview, “Parang ayoko rin naman na alisin sa sarili ko na baka may chance rin ako, di ba?”

Binanggit din noon ng aktres na matagal na siyang nakapag-move on, pero nananatili pa rin siyang pro-family.

“Kung kaya pang ayusin, aayusin, ilalaban mo,” sabi niya.

“Pero sometimes, you also get to a point na you also want to consider your own happiness for yourself, di ba?

“Kumbaga sa giyera, hindi mo na alam kung saan ka nakatayo, di ba?”

Ngayon lang ulit nagsalita si Sunshine tungkol sa relasyon nila ni Timothy.

Sa artikulo na lumabas sa PEP.ph noong March 26, 2019, tumangging magsalita ang aktres nang tanungin sa status ng relasyon nilang mag-asawa.

Continue reading below ↓

Ani Sunshine noon, “I’d rather not talk na about my personal life.

“Kasi, parang it’s so unfair for us, public figure.

“You share your life in public and automatically they think that they have the right to insult you or para makialam sa buhay mo.

“I just hope that people nowadays should be more compassionate and tolerant.”

Ang Throwback Pag-ibig ay pinangungunahan din nina Mike Tan, Leanne Bautista, Regine Angeles, Lovely Abella, at Iya Mina.

Magsisimula ito sa September 2, Lunes, bago mag-Eat Bulaga!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Sunshine Dizon reveals her conditions before giving someone a second chance.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results