Jameson Blake not rushing things with Elisse Joson

by Arniel C. Serato
Aug 30, 2019
Jameson Blake on Elisse Joson: "Cliché ‘no, but she’s a different person. Iba siya. Just knowing herself, yung personality niya, she’s not only beautiful, but she’s really beautiful inside out.”
PHOTO/S: Noel Orsal

May mga iba’t ibang prayoridad pa raw sina Jameson Blake at Elisse Joson kaya hindi pa sila seryoso sa kanilang pagliligawan.

Pahayag ni Jameson, “There’s some personal issues.

“I don’t really wanna let it out.

“Siguro, to simplify it, we’re taking things step by step.

“We are not really rushing things.

“Me and Elisse, we enjoy our time together even as friends or even for... we’re, like, together. Parang ganun.”

Masaya naman si Jameson na may blessing na ng dating boyfriend ni Elisse na si McCoy de Leon ang panliligaw niya sa aktres.

Bilin pa nga ni McCoy sa kanya, ligawan din ang parents nito, hindi lang si Elisse.

Magkasama sa Hashtags sina Jameson at McCoy.

Nanligaw na ba siya sa mga magulang ni Elisse?

Sagot ni Jameson, “Nakipag-bonding na rin ako sa kanila.

“I’ve met their family naman. I felt welcome naman.

“Sila kasi, when they’re all together, mga tita niya, sa mga relatives niya, minsan ako lang yung lalaki, it feels good.

Continue reading below ↓

“It feels good to know her family.”

Ilang beses na siyang nakipag-bonding sa mga kamag-anak ng dalaga?

Tugon ni Jameson, “Siguro mga three times.

“Minsan, nag-i-invite sila na mag-a-outing so I appreciate din naman.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jameson sa media conference ng G!, entry sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019.

Mapapanood ito sa mga sinehan simula sa September 13.

BEAUTIFUL INSIDE OUT

Kahit hindi pa sila, ayon kay Jameson, kakaiba si Elisse sa mga babaeng nakilala niya.

Totoong tao raw ito kahit nasa showbiz.

“Cliché ‘no, but she’s a different person. Iba siya.

“Just knowing herself, yung personality niya, she’s not only beautiful, but she’s really beautiful inside out.”

Kung may mga pinagdadaanan si Elisse, nagkukuwento raw ito sa kanya at nagbibigay naman siya ng payo rito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jameson Blake on Elisse Joson: "Cliché ‘no, but she’s a different person. Iba siya. Just knowing herself, yung personality niya, she’s not only beautiful, but she’s really beautiful inside out.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results