Heart Evangelista answers netizens reacting to her throwback photo with Chiz Escudero

by Rachelle Siazon
Aug 30, 2019
Heart Evangelista explains "simplicity" wasn't her style even before she met husband Chiz Escudero.
PHOTO/S: @iamhearte Instagram

Sinagot ni Heart Evangelista ang netizens na nagsasabing tila mas naging magarbo siya ngayon kumpara noong magkasintahan pa lang ang aktres at noo'y senador na si Francis "Chiz" Escudero.

Kaugnay ito ng throwback photo nina Heart at Chiz na makikita sa Instagram post ng Kapuso actress ngayong Biyernes, August 30.

Kuha raw iyon kasama ang kanyang "prince charming" sa sikat na Serendipity 3 restaurant sa New York City noong 2013.

Continue reading below ↓

Sa comments' section, isang netizen ang pumansin kung bakit noon ay "simple" lang si Heart.

Kalakip ang isang smiley, komento ng netizen (published as is), "You look so simple back then, no chunky rings and bangles... di mo aakalaing artista pala. Maybe that is one trait na nagustuhan sa yo ni Chiz."

Sagot ni Heart, "I wasn't simple here actually i was just feeling sick this day."

Continue reading below ↓

Isa pang netizen ang nagkomento na tila mas naging mahilig daw sa high-end brands si Heart ngayon.

Sabi ng netizen (published as is): "Pero hindi ka nagssuot ng hermes at cartier before . Pero I'm happy for you Heart! You've improved a lot . More fashionable and elegant now!"

Paglilinaw ulit ni Heart, noon pa man ay nagsusuot na siya ng brand na Cartier.

Continue reading below ↓

Aniya, "ummm not really had my Cartier since I was a teen:) but as I got older I became more bold with my style:)

"I also went through a bohemian look in my twenties :) evolution is amazing !!"

Sina Heart at Chiz ay naging magkasintahan noong July 31, 2012.

Pagkatapos mahigit dalawang taon, o noong February 15, 2015, ikinasal sila sa Balesin Island Club, Polilio, Quezon province.

Si Heart ay aktibo pa rin sa showbiz at mapapanood bilang celebrity judge sa GMA-7 reality show na StarStruck Season 7.

Si Chiz ay kasalukuyang nanunungkulan bilang gobernador sa kanyang hometown sa Sorsogon.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista explains "simplicity" wasn't her style even before she met husband Chiz Escudero.
PHOTO/S: @iamhearte Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results