Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Dennis Padilla angry at Julia Barretto's bashers; has a message for Joshua Garcia

by Bernie V. Franco
Aug 30, 2019
Dennis Padilla says he has high respect for Joshua Garcia, ex-boyfriend of his daughter Julia Barretto, who had shown him respect in the past.
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Dennis Padilla na galit siya sa bashers ng anak na si Julia Barretto.

Humupa man, hindi pa rin tuluyang namamatay ang pagdidikit sa pangalan ni Julia kay Gerald Anderson.

Si Julia ang pinagbibintangang dahilan kaya naghiway si Gerald at ang aktres na si Bea Alonzo.

Bunsod nito, matinding pambabatikos at pamba-bash ang inabot ni Julia, partikular sa social media.

Sa interview ni Dennis sa Tonight With Boy Abunda (TWBA) noong Miyerkules, August 28, ay inihayag ng komedyante ang saloobin tungkol sa isyung kinasasangkutan ng anak.

Saad niya, “Yung huli naming usap, sabi ko lang sa kanya, ‘Hayaan mo na lang muna ‘yan, anak. Tutal pagod ka sa pagtatrabaho, bakit hindi ka muna magbakasyon?

"'Huwag ka na munang maging active sa social media. Huwag ka na munang mag-react kung ano man ang nababasa mo. 'Tapos huwag ka na ring sumagot muna.’

“Siyempre pag bina-bash si Julia, nagagalit ako, e.

Continue reading below ↓

“May mga pagkakataon na yung mga nagba-bash kay Julia, gusto kong isa-isang puntahan sa bahay at gulpihin, e.

"Totoo yun. Tatay ako, e.”

Hindi rin daw nagustuhan ni Dennis ang akusasyong nakikisakay siya sa isyu ng anak.

“Minsan may mga taong hindi ako nauunawaan.

“Parang ang basa nila, sumasakay ka pa sa gulo ng anak mo.

“Hindi ako sumasakay. Anak ko yun. Di ko kailangang sumakay,” pagtatanggol ni Dennis sa sarili.

MESSAGE FOR JOSHUA GARCIA

May mensahe naman si Dennis para kay Joshua Garcia, ang dating boyfriend ni Julia.

Sabi ni Dennis, “Nakilala kita and formal kang humarap sa akin kaya ginagalang kita.

“Kung paano mo ako nirespeto, ganoon din kita nirerespeto.”

Nangyari ang unang pagkikita nina Dennis at Joshua noong Father’s Day 2018.

May dinner ang mag-amang Dennis at Julia sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Isinama naman ni Julia si Joshua upang ipakilala kay Dennis.

Sa guesting niya sa TWBA, tumango rin si Dennis bilang sagot sa tanong kung naging maayos ang paghihiwalay nina Julia at Joshua.

Continue reading below ↓

Noong June 2019, kinumpirma nina Joshua at Julia na tinapos na nila ang kanilang relasyon matapos ang dalawang taon. Tiniyak din nilang maayos ang kanilang paghihiwalay.

Sa kontrobersiyal na Instagram post ni Julia noong August 6, 2019, sinabi niyang nagdesisyon silang maghiwalay ni Joshua apat na buwan na ang nakalilipas.

Ibig sabihin, April 2019 sila naghiwalay.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla says he has high respect for Joshua Garcia, ex-boyfriend of his daughter Julia Barretto, who had shown him respect in the past.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results