JM de Guzman wants to protect Ria Atayde from bashers

by Jet Hitosis
Aug 31, 2019
JM de Guzman (left) prefers not to talk about Ria Atayde (right) so as to protect the actress from bashers. JM and Ria's mom, actress Sylvia Sanchez, will star in ABS-CBN's new primetime series, Pamilya Ko, airing on September 9.
PHOTO/S: Noel Orsal, @ria on Instagram

Iniiwasan ni JM de Guzman na pag-usapan pa si Ria Atayde, dahil gusto niyang maprotektahan ang aktres sa mga bashers.

Ito ay matapos na muling igiit ni JM na wala silang romantic relationship ni Ria.

Matagal nang nali-link sa isa’t isa sina JM at Ria, pero paulit-ulit nilang itinatanggi na may namamagitang espesyal sa kanila.

Sa grand media conference nitong Biyernes, August 30, ng teleseryeng Pamilya Ko, kung saan isa si JM sa mga bida, natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters ang aktor tungkol sa status ng relasyon nila ni Ria.

Tipid na napangiti si JM, ‘tsaka sumagot, “Magkaibigan po muna.”

Halata ang pag-iwas ng 30-anyos na aktor na sagutin ang mga tanong kapag nababanggit ang pangalan ni Ria.

Dahil dito, diretsahan nang tinanong si JM kung bakit umiiwas siyang pag-usapan si Ria.

“Because she’s special sa akin, and I want to protect her,” seryosong sagot ni JM.

Continue reading below ↓

Sinabi ni JM na ayaw niyang naba-bash sa social media si Ria, dahil nasasaktan ito.

Paliwanag niya, “The more you ask questions about her, the more she will be bashed, and it hurts.”

Bakit kailangang protektahan ni JM si Ria sa bashers?

Ani JM, “Kaibigan ko si Ria and I love my friends.”

Marso ngayong taon nang kuyugin ng bashers si Ria, gayundin ang ina nitong si Sylvia Sanchez at kapatid na si Arjo Atayde, kasunod ng pagkalat ng balitang nililigawan ng huli si Maine Mendoza.

Sa panahong iyon, sinabi pa ni Ria sa isang panayam na nakatatanggap pa ng pagbabanta ang kanilang pamilya mula sa mga fans ni Maine, na nag-aakusang “user” umano si Arjo.

JM PREFERS NOT TO HAVE A RELATIONSHIP FOR NOW

Samantala, inamin din ni JM hindi pa siya handang makipagrelasyon sa ngayon, dahil hindi pa niya naibabalik sa ayos ang kanyang sarili.

Continue reading below ↓

“Hanggang ngayon hindi pa rin po,” pag-amin ni JM tungkol sa status ng kanyang recovery mahigit isang taon makaraang makumpleto niya ang drug rehabilitation program.

“I still have some work to do sa sarili ko,” dagdag ng aktor.

July 21, 2018 nang makumpleto ni JM ang tatlong-taong SELF Treatment, Rehabilitation & Value Formation Program.

Taong 2012 nang unang sumailalim sa drug rehabilitation program si JM, na hindi niya natapos, hanggang sa nagkaroon siya ng relapse sa paggamit ng ilegal na droga pagsapit ng 2015.

Ayon kay JM, ngayon pa lang niya naia-apply ang mga natutuhan niya sa rehab program.

Ito ang dahilan kaya hindi pa siya handang pumasok sa bagong romantic relationship.

“Hindi pa po,” ani JM.

“Baka makasakit lang po ako.”

Sa huli, diretsahang inamin ni JM na hindi pa siya maaaring magkaroon ng relationship kay Ria sa ngayon, dahil “hindi pa buo” ang pagkatao niya.

Continue reading below ↓

“Hindi pa, kulang pa, e,” pag-amin ni JM.

Paliwanag niya, “Sa isang relasyon, hindi kayo dapat dependent sa isa’t isa.

“Dapat papasok kayo dun parehong buo, para pag sa huli, kung hindi pala kayo, e, di…okay kayo pareho.”

Ang young actress na si Barbie Imperial ang huling na-link kay JM, habang ginagawa nila ang ABS-CBN teleseryeng Araw Gabi.

Abril ngayong taon nang umugong ang balitang naudlot ang relasyon sana nina JM at Barbie, at hindi naging maayos ang kanilang paghihiwalay.

SYLVIA LOVES JM

Bago pa ang nasabing interview, ibinunyag ni JM sa Q&A portion ng mediacon na madalas siyang pumupunta sa bahay ng mga Atayde, dahil “bahagi na po ako ng pamilya.”

Sinegundahan naman ito ni Sylvia, na nagkataong co-star ni JM sa Pamilya Ko.

“Mabait si JM. I love JM,” sabi ni Sylvia, at sinabing naging malapit sila sa isa’t isa may sampung taon na ang nakalipas.

Continue reading below ↓

Dagdag pa ng aktres, “Honestly, madaling mahalin si JM.

“Mabait siyang tao, maniwala kayo sa akin.”

Pinili naman ni Sylvia na huwag magsalita tungkol sa tunay na estado ng relasyon nina Ria at JM.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman (left) prefers not to talk about Ria Atayde (right) so as to protect the actress from bashers. JM and Ria's mom, actress Sylvia Sanchez, will star in ABS-CBN's new primetime series, Pamilya Ko, airing on September 9.
PHOTO/S: Noel Orsal, @ria on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results