Janno Gibbs on past video scandal: "Talagang medyo na-down ako..."

by Glenn Regondola
Aug 31, 2019
Janno Gibbs is glad that his showbiz career is almost back to normal a year after the video scandal. "Bumabalik ulit ang confidence ko," he says.
PHOTO/S: Noel Orsal

Halatang umiwas na si Janno Gibbs na pag-usapan pa ang tungkol sa kanyang video scandal na kumalat noong August 2018.

Sa mediacon ng pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na ginanap sa The Music Hall, sa Ortigas City, noong nakaraang linggo, hindi naman niya itinanggi na na-down siya nang panahong may pinagdadaanan siya,

Pahayag ng singer-comedian, “Talagang medyo na-down ako, hindi ko naman itinatanggi yun. But now, I’m very happy na I’m with Viva, at bumabalik ulit ang confidence ko. Medyo missing in action talaga, admittedly.

“Ayoko nang masyadong pahabain, but I must admit na nagkaroon ako ng problema dito, problema diyan, but since I signed with Viva as an artist, sila na po ang bahala as manager ko ngayon, feeling ko ay unti-unti nang naaayos ulit."

Bumabalik na nga raw ngayon ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili, at nanunumbalik na rin ang sigla ng kanyang showbiz career.

Aniya pa, “Of course, yes, yes! Of course, hindi mo naman maaalis yun.

Continue reading below ↓

“Ako, habang nagsu-shooting kami nitong movie namin nila Andrew E., actually, may sinu-shoot akong iba pa with Viva also, yung kay Dingdong Dantes. Support lang ako dun, pero tuluy-tuloy talaga.

"Yung sa singing naman, kalalabas lang nang single ko for Viva (Records), hindi pa namin masyadong pinu-promote kasi, gagawa pa kami ng music video. So, lahat nang ito, nagbibigay sigla ulit sa akin.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa puntong ito, ay sinigurado na ni Janno na okay na okay siya, at walang dapat ipag-alala sa kanya ang kanyang mga tagahanga.

Saad ng 49-year-old star, “Madami, madami akong pinagdaanan. Okey naman. Gusto ko ngang sabihin sa mga tao, yung iba, parang nagwu-worry sa akin. Parang nagwu-worry na, ‘O, Janno, kumusta ka na? Di ka namin napapanood. Di ka naming na nakikita.’

“I’m fine. Alam kong marami akong pinagdaanan na issues, but I have my family. I have a very good family support, and I’ve always been okay. I’m looking forward for the future.”

Continue reading below ↓

Ang pelikulang Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na dinirek ni Al Tantay ay mapapanood na simula sa September 4.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janno Gibbs is glad that his showbiz career is almost back to normal a year after the video scandal. "Bumabalik ulit ang confidence ko," he says.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results