Beauty Gonzalez clueless about Ellen Adarna-John Lloyd Cruz breakup rumors

by Melba R. Llanera
Aug 31, 2019
Despite being a close friend of Ellen Adarna, Beauty Gonzalez (left) admits being clueless about Ellen's rumored breakup with boyfriend John Lloyd Cruz (right): "Di ko alam kung ano ang pinagdadaanan nila. Di ko talaga alam kung ano ang sitwasyon nila, e. Basta I wish them all the best."
PHOTO/S: Noel Orsal / John Lloyd Cruz Instagram

Isa sa lumabas na rason kung bakit nauwi raw sa hiwalayan ang relasyong Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ay dahil sa kagustuhan ng aktres na muling bumalik sa showbiz.

Lalo pang naging matunog ang espekulasyong ito nang lumabas ang endorsement ni Ellen para sa isang aesthetic clinic.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Beauty Gonzales sa nakaraang special screening ng pelikulang Abandoned ng iWant TV kagabi, August 30, sa Santolan Town Plaza Cinema, nagpahayag ng saya at suporta ang Kapamilya actress sa pagbabalik-trabaho ng malapit na kaibigan, pero naniniwala siyang hindi na pag-arte ang gusto nitong balikan.

Lahad ni Beauty, "I'm happy for her. I've been waiting for that and sana bumalik siya.

"It's up to her naman kung babalik siya o hindi.

"I think she's open to endorsements, di na siguro yung acting-acting, kasi she's really a full-time mom right now."

Continue reading below ↓

ELLEN AS FULL-TIME MOM

Tinanong din namin si Beauty kung ano ang napansin niyang mga pagbabago kay Ellen mula noong maging isa na itong ina.

Saad niya, "Wala, pareho kaming dalawa.

"Umikot ng 360° yung buhay namin.

"Iba talaga pag may anak ka. Di na puwede yung pa-happy-happy na lang parati."

BANGKOK TRIP

Kinumusta din namin si Beauty sa Bangkok trip nila ni Ellen kasama ang mga anak nila at malalapit na kaibigan.

Kuwento niya, "Masaya, super bonding kami. Masaya, kasi we were with our kids.

"Okay naman, kasi naka-recharge na uli.

"Kailangan naman talaga na as an actor, kailangan mo ng kaunting panahon sa sarili mo, kasi minsan nadadala ka sa character mo.

"Feeling mo, inaapi ka na rin sa totoong buhay lalo na when everyday you are doing it."

CLUELESS ABOUT BREAKUP RUMORS

Tinanong din namin sa Kapamilya actress kung ano ang reaksyon niya sa balitang paghihiwalay nila John Lloyd at Ellen at kung nag-open ba si Ellen sa kanya tungkol dito.

Continue reading below ↓

Pag-amin niya, "Hindi naman. Di ko alam kung ano ang pinagdadaanan nila.

"Nung nandun kami sa Bangkok, wala akong yaya, so wala kaming time na magtsikahan sa kakaalaga sa anak ko.

"Di ko talaga alam kung ano ang sitwasyon nila, e. Basta I wish them all the best."

Tinanong din namin si Beauty kung nag-uusap sila ni John Lloyd tungkol sa sitwasyon nila ni Ellen.

Saad niya, "Hindi ko siya nakakausap kasi everyday ako nagwu-work.

"Mas marami pang alam ang asawa ko, sa totoo lang.

"Wala akong alam tungkol kay Idan kasi I'm working everyday.

"I'm doing another film that will be coming out this Halloween, another horror movie.

"Naku, watch out kayo sa scream ko dito. Itsa-challenge ko yung sigaw ni Kris Aquino.

"Why not? Iniidolo ko si Ms. Kris. Baka naman ako yung the next Screaming Queen, di ba?"

MOVIE PROJECT

Sa kabilang banda ay masaya at excited naman si Beauty sa pelikulang Abandoned kunsaan ibang level daw ng acting niya ang mapapanood.

Continue reading below ↓

Pahayag niya, "I'm so happy that after so many years, nagbida na rin ako sa isang pelikula.

"Sana magustuhan ng mga tao, pinaghirapan ko talaga ito. I'm just so happy. Grateful ako.

"Masarap kasi iba ang ginagawa ko sa TV, nabi-break ko ang character ko as Romina.

"Iba kasi pag gumagawa ka ng pelikula. Mas nakaka-express ka ng emotions, challenging yung script, so I'm just so excited.

"Kinakabahan ako."

Bilib naman si Beauty sa husay at propesyonalismo na nakita niya kay Seth Fedelin na gumaganap bilang anak niya sa Abandoned.

Sabi niya, "Unexpectedly, ang galing ni Seth. Actually, dito kami unang nagkita sa Abandoned, hindi sa Kadenang Ginto.

"Ang galing niya! Naturally, it comes out naman."

GRATEFUL FOR SUPPORTIVE HUBBY

Present sa special screening ng Abandoned ang asawa ni Beauty na si Norman Crisologo.

Ayon kay Beauty, masaya siya na buo ang suporta ng asawa sa lahat ng ginagawa niya.

Continue reading below ↓

Pagpapasalamat niya, "Suwerte lang ako na ang asawa ko, maintindihin sa ginagawa ko, kaya everything is okay and balanced.

"There are no perfect days. Pinu-focus ko lang na I've been wanting this and I have to fill my own cup before I fill other people's cups, so thankful ako that he understands it.

"That's the bonus if you married someone mature. Di ka igu-ghosting."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite being a close friend of Ellen Adarna, Beauty Gonzalez (left) admits being clueless about Ellen's rumored breakup with boyfriend John Lloyd Cruz (right): "Di ko alam kung ano ang pinagdadaanan nila. Di ko talaga alam kung ano ang sitwasyon nila, e. Basta I wish them all the best."
PHOTO/S: Noel Orsal / John Lloyd Cruz Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results