Sylvia Sanchez recalls Joey Marquez almost made a move on her when she was 17

by Rachelle Siazon
Sep 1, 2019
Joey Marquez quips about what might have been with Sylvia Sanchez: "Baka hiwalay na rin kami ngayon!"
PHOTO/S: @sylviasanchez_a Instagram

Inamin ni Sylvia Sanchez, 48, na muntik na siyang pormahan ni Joey Marquez, 61, noong dalaga pa siya at nagkakatrabaho sila sa mga pelikula.

Nagkataon daw na girlfriend na noon ni Joey si Alma Moreno, at bagong kakilala naman ni Sylvia sa napangasawa niyang si Art Atayde.

Pahayag ni Sylvia, "Siguro kung wala siyang Alma nung time na yun, at nung time na rin na pumapasok na rin si Art.

"Siguro naging kami. Kasi gumawa kami ng movies apat, lima na kaming dalawa."

Dagdag ni Sylvia, 17 years old lang siya noong nagsimula silang magkatrabaho ni Joey.

Samakatwid, 30 years old noon si Joey.

Kuwento naman ni Joey, gandang-ganda raw siya noon kay Sylvia.

"Si Ibyang napakaganda niya talaga, napaka-sexy, napakaputi, at saka madali kang pakisamahan," tukoy ni Joey kay Sylvia na ang palayaw ay Ibyang.

Pag-amin pa ng aktor, "Medyo pilyo pa ako nung araw..."

Singit ni Sylvia, "Naninilip iyan!"

Continue reading below ↓

Nahuhuli raw niya si Joey na sinisipat siya.

Sabi ulit ni Joey, "'Tapos biglang lalapitan ko na siya. Sisigaw na siya, 'Si Alma! Nandiyan si Alma!"

Tandang-tanda pa raw ni Sylvia na isang malaking room ang standby area nila noong sinu-shoot nila ng pelikulang Shake Rattle & Roll II.

"Nasa bed ako, may bed din siya. Kapag merong mga staff, okay siya. Kapag wala na, kaming dalawa na lang, ti-tiptoe na iyan, lalapit na."

Ang panakot daw ni Sylvia kay Joey ay kunwari'y darating na si Alma.

"Mapapa-stop siya kapag nandiyan si Alma. Kasi, alam kong wala, e. Lokohan."

Narito ang kopya ng ilang litrato ni Sylvia noong nagsimula siya bilang sexy actress sa 1988 movie na Nympa Sa Putikan.

Continue reading below ↓

JOEY'S SEX APPEAL

Kung tutuusin ay naging "crush" din daw ni Sylvia si Joey.

“Ay oo naman! Kasi nung time na pagpasok ko, sila yung sikat. Siya, si Richard Gomez.

"Richard is guwapo. Tsong is guwapo plus ang lakas ng appeal niya.

"Iba yung Joey Marquez for me. 'Tsaka mabait siya, approachable."

Tsong ang palayaw ni Joey sa showbiz circles.

Nakapanayam sina Sylvia at Joey sa ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda noong August 29.

Aware ba si Joey na malakas ang kanyang sex appeal?

Nangingiting sagot ng beteranong aktor, "Medyo. Sabi ko nga sa kanya, they may have all the looks. I'll have the sex appeal."

Tinanong din si Joey kung paano ang style niya ng panunuyo sa babae.

"Siguro pinatatawa ko muna. Kapag pinatawa mo, once na tumawa na, nakukuha mo na yung loob."

NOT MEANT TO BE

Sabi naman ni Sylvia, mabuti na lang at hindi naging sila ni Joey noon.

Continue reading below ↓

"Sabi ko nga sa kanya, nagkakasama kami sa taping namin, sabi ko, 'Buti Tsong, buti na lang talaga!' Na hindi naging kami kasi sobrang chickboy!"

Natatawang hirit ni Joey, "Baka hiwalay na rin kami ngayon!"

Kung sakali ay hindi raw uurungan ni Sylvia si Joey dahil aminadong matapang daw ang aktres.

"Nagkasuntukan na tayo, Tsong! So hiwalay na kami ngayon. So ngayon, nagtatawanan na lang kaming dalawa."

Nanatiling mabuti raw silang magkaibigan, at kinuha pa ni Sylvia na ninong si Joey ng anak niyang si Arjo Atayde.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joey Marquez quips about what might have been with Sylvia Sanchez: "Baka hiwalay na rin kami ngayon!"
PHOTO/S: @sylviasanchez_a Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results