Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ryle Santiago on reconciling with Dad Junjun: "Show me naman na okay tayo"

by Gorgy Rula
Sep 1, 2019
Ryle Santiago says he is open to the possibility of reconciling with his dad Junjun Santiago. "Nakasara yung pinto, pero puwede siyang bumukas."
PHOTO/S: Gorgy Rula

Naungkat na naman ang isyu ni Ryle Santiago sa kanyang tunay na amang si Junjun Santiago.

Kasama kasi ni Ryle ang stepfather-manager niyang si Chris Tan nang pumirma ito ng renewal of contract sa Megasoft Hygienics nitong Agosto 31, Sabado ng tanghali, sa Oriental Palace sa Tomas Morato, Quezon City.

RYLE TAN OR RYLE SANTIAGO?

Nagkaroon ng confusion noon kung Ryle Tan o Ryle Santiago ba ang gagamiting screen name ng nasabing Hashtags member.

Gusto kasi ni Ryle na Tan ang gamitin, pero hindi pumayag ang tunay niyang ama na i-drop ang apelyidong Santiago.

Sa ngayon, Ryle Santiago ang tawag sa binata, pero Tan ang ginagamit nitong surname sa social media accounts niya.

Sinabihan ni Chris si Ryle na Santiago na ang gamitin sa lahat dahil iyon ang legal name nito.

Sinubukan kasi nilang ipaalam kay Junjun na i-adopt na ni Chris si Ryle, para dala na ang apelyidong Tan, pero hindi raw pumayag ang biological dad ni Ryle.

Continue reading below ↓

Ang sabi ng panganay ni Sherilyn Reyes, “Hindi niya ako pinayagan, nainis ako.

"So, sa mga social media ko, ginamit ko ang Tan. Pero sa mga legal documents, gamit ko, Santiago.

"Iniintindi ko na lang.

"Nag-decide ako na magpa-tattoo ng Tan, at least, kahit somewhere, bitbit ko yung pangalan.”

Nasa may kanang kamay niya malapit sa pulso ang nasabing tattoo.

"Si Daddy [Chris] yung nagpalaki sa akin, e.

"Hindi ko ikinakahiya na Santiago ako, pero pinalaki ng Tan.

"By blood and my heart and my mind, Tan ako. But my legality, I’m a Santiago."

IS RYLE OPEN TO RECONCILING WITH DAD JUNJUN?

Hindi itinago ni Ryle ang tunay na nararamdaman niya sa kanyang ama.

Nandiyan ang sama ng loob. Pero bukas naman daw siyang makipag-ayos.

“Para sa akin, siguro siya naman, kasi wala naman akong ginawa.

"Naipit lang naman ako sa crossfire. Ako pa ba yung gagawa ng paraan para makipag-ayos?

Continue reading below ↓

"I’m not saying na hindi kami maging okay. I’m just saying na show me naman na okay tayo,” saad ng 20-anyos na Hashtags member.

Bakit hindi na lang siya ang gumawa ng paraan since nagkikita naman sila sa ABS-CBN?

“Kahit paano, may pride pa rin ako nang konti para sa sarili ko.

"Pero yung sobrang taas na pride ko dati, binaba ko na lang yun.

"Yung konti na lang…yun na lang talaga, e.

"Nakasara yung pinto, pero puwede siyang bumukas."

“I mean, sabi nga ni Daddy [Chris] na i-text ko siya para maglabas ng sama ng loob.

"Pero hindi ako ang magsasabi na, ‘O, okay na tayo.’

"Siyempre, kailangan niya din… ligawan niya rin ako, di ba?

“Wala naman akong kinalaman, bakit ako ang pineperhuwisyo, di ba?

"Huwag akong idamay sa gulo ng mag-ex," ang diretsong pahayag ni Ryle.

DID CHRIS BECOME HIS FATHER FIGURE?

Yes. Hindi siya nakaramdam na naghanap siya ng pagmamahal ng isang ama dahil pinuno ito ng Daddy Chris niya.

Continue reading below ↓

“Lumaki akong may tatay, e. Three years old ako nun, hindi ko maalala. Siya talaga.

"Sobra akong thankful na maaga siyang pumasok sa buhay ko.

"Hindi ko nadaaanan yung teenage angst na tipong may nanliligaw sa nanay ko, kailangang dumaan sa akin.

"Mabuti, pumasok si Daddy sa buhay ko, wala pa akong alam.

"Kasi, kung may alam na ako, baka nag-away pa kami.

"Pero napatunayan ni Daddy na sobrang mahal niya ako. Ako at sina Mama,” sabi pa niya.

How is his relationship with Daddy Junjun?

Nilinaw ni Ryle na okay siya sa mga tiyuhin niyang kapatid ni Junjun.

Close siya sa Tito Rowell at Tito Randy na nakakasama niya sa It’s Showtime.

Bihira lang daw sila magkita ng Tito Raymart niya.

Nahirapan si Ryle na sabihin kung anong relasyon meron sila ng tunay niyang ama, pero parang boss ang tingin niya rito dahil siya ang business unit head ng It's Showtime.

Continue reading below ↓

“Ang relationship lang namin talaga is employee and employer… boss,” walang kagatul-gatol niyang pahayag.

CHRIS AND SHERILYN'S MESSAGE FOR JUNJUN

Samantala, nahirapan si Sherilyn na sagutin ang isyu ng mag-ama dahil lahat daw ito ay desisyon ng kanyang anak.

Aniya, “Si Ryle is 20 years old.

"His biological father is just there. They can see each other anytime at work.

"So, parang feeling ko, dapat between them.

"Pero ang lagi naming sinasabi kay Ryle, dapat wala ka nang hinanakit or anything.

"Kasi siyempre, mas maganda ang flow ng blessings kapag wala ka nang hinanakit o kung ano man.

"Pero alam niyo, kapag nagkikita naman sila, nag-uusap naman sila nang maayos.

“Siguro, ang sa kanya is anak ako, baka puwede mo naman akong lambingin. Siguro, ganun ang sa kanya.

"Pero ang alam ko, wala namang anything na hinu-hold talaga.

"Kasi kung ganun, dapat galit pa siya. Hindi naman.

"Na-mention naman niya na, siya okay na.

Continue reading below ↓

"I think it’s between the two of them already.

"Kasi with me and Ryle naman and si Chris, we’ve been honest with him from the very start.

"So, there’s nothing for us to hide to Ryle. Alam na niya ang sitwasyon and all.”

Ang tanging hangad ni Sherilyn, maging magaan na ito lahat para sa kanyang anak, iyong wala itong bigat na dinadala pagdating sa ama.

"Siguro, ang maganda, magkaroon sila ng chance na makapag-usap.

"Kasi, yun din naman ang sinasabi namin sa kanya na kung imbitahin ka, go.

"Sinabi namin na kung ano ang gusto mo, it’s up to you because that’s your life.

“Kung ano yung makapagkumpleto sa iyo, ikaw dapat.

"Hindi namin puwedeng sabihin na, ‘Uy! Sige na!’ E, hindi pa pala siya ready.

"Gusto ko lang naman na maging at peace din siya.

"If there’s something that’s bothering him, sana, makapag-usap sila o ano.

“He has something to say to him na hindi pa niya naipaparating.

Continue reading below ↓

"I think that’s easy because they see each other at work,” seryosong pahayag ni Sherilyn.

Ang mensahe ni Chris na gusto niya sanang iparating kay Junjun Santiago, “Siguro, just be a father.

"Kasi, no matter what, anak niya, e. So, just be a father.

"Sa akin, kasi if you’re a father, huwag ka nang matakot.

"Kung na-reject ka, at least you tried.

“So, at least yung anak mo, naramdaman niya na you’re trying.

"Yun lang ang ano ko sa kanya. Hindi ko siya dyina-judge or anything.

"Baka nandun lang siya sa point na gusto niya, pero hindi lang niya alam kung ano ang gagawin.

“If you wanna reach out to your son… if you wanna have that relationship na maski paano, ma-save.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ryle Santiago says he is open to the possibility of reconciling with his dad Junjun Santiago. "Nakasara yung pinto, pero puwede siyang bumukas."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results