Angel Locsin misses GenSan event due to illness; apologizes to fans

by Jet Hitosis
Sep 2, 2019
Angel Locsin apologizes to her fans in General Santos City, South Cotabato, after she failed to show up for the city's annual Tuna Festival celebration on Saturday, August 31. The actress suffered “parathoracic muscle strain” and was advised by her orthopaedic doctor to rest for three days, as per the medical certificate which she posted online.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram

Hindi nakasipot si Angel Locsin sa Tuna Festival 2019 ng General Santos City nitong Sabado, August 31, dahil nagkasakit siya.

Todo naman ang pagso-sorry ng aktres sa kanyang fans na dumagsa sa GenSan para makita siya at ang iba pang cast ng teleserye ng aktres sa ABS-CBN, ang The General’s Daughter.

Sabado ng gabi nang mag-tweet si Angel ng paghingi ng paumanhin sa mga taga-GenSan.

Tweet niya, “I’m so sorry Gen San (crying emoji) Super excited pa naman akong makasama kayo (crying emoji)."

Kalakip ng tweet ng aktres ang litrato ng medical certificate mula sa kanyang orthopaedic doctor.

Sa medical certificate ni Angel, nakasaad na may “parathoracic muscle strain” sa kaliwang bahagi ng katawan, at “Difficulty of Breathing” ang aktres.

Karaniwan nang nahihirapang huminga ang may muscle strain sa bahagi ng dibdib, tadyang o likod, ayon sa healthline.com.

Dahil dito, inirekomenda ng doktor ang tatlong araw na pahinga para kay Angel.

Continue reading below ↓

Nakasaad pa sa tweet ng aktres, “don’t worry, I’m okay… masamang damo alam nyo na… hehehe.”

Nangako naman si Angel na magpupunta siya sa lungsod para makabawi sa kanyang fans.

“Pero babawi po ako sa inyo pag punta ko po dyan.

“Promise po magpaparaffle ako sa show (crying emoji).”

Continue reading below ↓

Miyerkules, August 28, nang ipinost ni Angel sa Instagram ang nakatakdang pagpunta niya at ng iba pang cast members ng The General’s Daughter sa Tuna Festival 2019.

Sa nasabing post, sinabi ni Angel na makakasama niyang pupunta sa GenSan sina Paulo Avelino, JC de Vera, Arjo Atayde, Loisa Andalio, at Ronnie Alonte.

Continue reading below ↓

FANS PRAY FOR ANGEL’S QUICK RECOVERY

Nagpahayag naman ng pang-unawa ang fans ni Angel, at sinabing pinakamahalaga sa ngayon ang magpagaling kaagad ang aktres.

Continue reading below ↓

Ipinost din ni Angel nitong Linggo, sa kanyang Instagram Story, ang parehong mensahe ng paghingi ng paumanhin sa mga taga-GenSan.

ANGEL’S SPINE PROBLEM

Hindi naman malinaw kung may kaugnayan sa iniindang problema ni Angel sa gulugod ang sakit na naranasan niya nitong Sabado.

Disyembre 2015 nang maoperahan si Angel sa Singapore upang lunasan ang disc bulge sa kanyang spine, na nadiskubre Oktubre ng taong iyon.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, itinuloy pa rin ng aktres ang physical training para sa pagganap niya sa pelikulang Darna.

Pero pagsapit ng Marso 2017, kinumpirma ng ABS-CBN at Star Cinema na hindi na si Angel ang magbibida sa Darna movie dahil sa problemang pangkalusugan ng aktres.

Gayunman, July 2018 naman nang i-post ni Angel sa Instagram ang video ng pagbabalik niya sa kickboxing training para sa noon ay sisimulan pa lang niyang teleserye na The General’s Daughter.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angel Locsin apologizes to her fans in General Santos City, South Cotabato, after she failed to show up for the city's annual Tuna Festival celebration on Saturday, August 31. The actress suffered “parathoracic muscle strain” and was advised by her orthopaedic doctor to rest for three days, as per the medical certificate which she posted online.
PHOTO/S: @therealangellocsin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results