Aiko Melendez refuses to withdraw libel case against former Zambales vice governor

by Jerry Olea
Sep 3, 2019
Aiko Melendez on libel case against former Zambales vice governor: "Siguro kung naramdaman ko na nagpakumbaba... apologetic sila... baka iurong ko ‘yan. Ang dali-dali kong kausap. Ako ang isa sa pinakamadaling kausap. Kaya lang, may yabang involved. So, turuan natin ng leksyon para mabawasan ang sungay."
PHOTO/S: Jerry Olea

Tinutupad ni Aiko Melendez ang kanyang pangako sa constituents ng boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

“Sometimes, I have to be in Subic, I have to be seen there because people are looking for me,” lahad ni Aiko sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Agosto 29, Huwebes ng hapon, sa Novotel Hotel, Quezon City, matapos siyang pumirma ng three-year managerial contract kay Arnold L. Vegafria.

“Baka sabihin ng mga taga-Zambales na noong eleksyon lang ako makikita, di ba?

“So, ako talaga, kahit papaano, pumupunta ako sa mga ospital.

"Dinadalaw ko iyong mga ano... Pumupunta talaga ako roon.

“Iyong ipinangako ko during elections, for Vice Governor Jay, na sabi ko, ‘After elections, makikita ninyo ako!' Tinutupad ko yun.

"Kasi, may isang salita ako."

Peace na lahat?

“Excluding the case! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” natawang paglilinaw ng aktres.

“Sorry, but I will continue, yes!”

Continue reading below ↓

LIBEL CASE AGAINST FORMER VICE GOVERNOR

Ano na ang development sa piskalya ng kasong libel na isinampa niya laban sa dating vice governor ng Zambales na si Angel Magsaysay-Cheng?

Ayon kay Aiko, “We’re just waiting for the final ano, kung may probable cause.

"Ilang days na lang to go para ma-reach iyong 60 days na waiting kami.

“I would like to stress, kasi may mga nababasa ako... I’d like to clarify lang na people are saying, we’ve won already dahil elections.

“Why sue her? Why... Because I wanna make it clear na I didn’t file this case out of elections.

"I filed this case because I want to clean my reputation.

“Because I was accused of being a drug user. And I cannot take that.

"I have two kids to protect. I have a name to protect in the industry.

“I’ve lost endorsements because of that malicious accusation about me.

Continue reading below ↓

"So that’s why, somebody has to be taught a lesson, di ba?"

Patuloy niya, “I’ve had so many sleepless nights!

"Di ba, hindi mo alam kapag drugs ang isyu mo, matokhang ka na lang, wala kang kalaban-laban.

“Ampangit naman ng headline ko, Aiko Melendez, natokhang.' Di ba?

"Antagal-tagal ko sa industry, 'tapos...”

Nagri-reach out ba ang kampo ng kinasuhan niya?

“I don’t feel any reaching out from them!” matatas na sambit ni Aiko.

“Because when I saw them in court, ahhmm, I didn’t feel any humility on their side.

“You know, if I felt that, I could have reversed my decision. But I didn’t feel that.

“Parang feeling ko pa, merong konting yabang pa.

"Siguro kung naramdaman ko na nagpakumbaba... apologetic sila... baka iurong ko ‘yan.

“Ang dali-dali kong kausap. Ako ang isa sa pinakamadaling kausap.

Continue reading below ↓

"Kaya lang, may yabang involved.

“So, turuan natin ng leksyon para mabawasan ang sungay."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on libel case against former Zambales vice governor: "Siguro kung naramdaman ko na nagpakumbaba... apologetic sila... baka iurong ko ‘yan. Ang dali-dali kong kausap. Ako ang isa sa pinakamadaling kausap. Kaya lang, may yabang involved. So, turuan natin ng leksyon para mabawasan ang sungay."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results