Jon Lucas regrets leaving Hashtags; reveals reason for moving to GMA-7

by Rommel Gonzales
Sep 4, 2019
Jon Lucas on being a Hashtags member: "Siguro, kung makikita niyo yung mga kagrupo ko, pag nakita niyo po sila na may sasakyan, o kaya may bagong bahay, lahat po yun, dahil sa tulong po ng It’s Showtime, dahil po sa Hashtags yun."
PHOTO/S: Instagram

Nanghinayang si Jon Lucas nang nawala siya sa grupong Hashtags ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

“Yung Hashtags po, pag naiisip ko po yun, lagi po akong nanghihinayang talaga,” pag-amin ni Jon.

“Kasi, sobrang laking tulong po sa amin ng It’s Showtime, e, sa grupo namin.

“Siguro, kung makikita niyo yung mga kagrupo ko, pag nakita niyo po sila na may sasakyan, o kaya may bagong bahay, lahat po yun, dahil sa tulong po ng It’s Showtime, dahil po sa Hashtags yun.

“Kaya malaking panghihinayang din po na mawalan ng trabaho, nung nasa It’s Showtime pa po.”

Noong unang bahagi ng 2018 ay nasuspinde si Jon mula sa It's Showtime dahil sa undisclosed reason.

Noong July 2018 ay inamin ni Jon na may anak na siya at kasal na sila ng It's Showtime dancer na si Shy Feras.

Continue reading below ↓

Pero kasabay nito ay ang usap-usapan noong nabuntis ng Hashtags member ang kanyang girlfriend.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jon sa mediacon ng indie movie na Marineros noong Agosto 28, Miyerkules, sa Max’s restaurant, Scout Tuazon, Quezon City.

JON ON HIS DECISION TO MOVE TO GMA NETWORK

Matapos ang kontrata ni Jon sa ABS-CBN Star Magic ay nag-audition siya sa GMA-7. Bakit siya lumipat?

Paliwanag niya, “Siguro ano po, para… sa isip ko lang, siguro gusto ko bagong tahanan 'tsaka bagong mindset.

“Marami na po akong sinayang din na pagkakataon sa kanila, kaya gusto ko naman po ngayon, baka iba naman yung mangyari sa career ko.”

Alam ni Jon na masuwerte siya bilang Kapuso dahil malaki-laki ang role niya sa Pinoy remake ng Koreanovelang Descendants Of The Sun.

“Kaya nga sobrang thankful ako sa GMA dahil ayun po, unang project ko pa lang, talagang huge project na po agad!” bulalas niya.

Continue reading below ↓

Totoo bang mas malaki ang kinikita niya ngayon sa GMA-7 kaysa noong nasa ABS-CBN siya?

Tugon ni Jon, “Sa ngayon, hindi pa po.

"Wala pa pong… pero mas malaki po nang konti lang, kasi hindi pa naman po ako big star, e.

“Wala pa naman din pong... pagka nagbigay po ako ng TF, for sure naman, hindi naman po ia-approve.

"Kasi, parang wala pa naman akong napapatunayan."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jon Lucas on being a Hashtags member: "Siguro, kung makikita niyo yung mga kagrupo ko, pag nakita niyo po sila na may sasakyan, o kaya may bagong bahay, lahat po yun, dahil sa tulong po ng It’s Showtime, dahil po sa Hashtags yun."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results