Derrick Monasterio reveals he has no sex life for one year now

by Rachelle Siazon
Sep 4, 2019
Derrick Monasterio says no sex in a relationship is non-issue for him: "Yun ang maganda sa akin, kaya ko kahit one year wala."
PHOTO/S: @derrickmonasterio Instagram

Inamin ni Derrick Monasterio, 24, na isang taon na siyang walang sex life.

Wala raw kaso sa kanya iyon dahil hindi siya ang tipong hindi papayag na walang sex kapag may idine-date na babae.

"Wala nga, e. Pero hindi ako naghahanap kasi.

"Yun ang maganda sa akin, kaya ko kahit one year wala, okay lang," prangkang sabi ni Derrick.

May ilang entertainment reporters ang nagbirong hindi sila naniniwala kay Derrick dahil mukhang ladies' man ito.

Pero giit ng Kapuso actor, "Promise talaga! Hindi ako naghahanap.

"One year na nga. Okay lang yun kasi hindi naman importante yun, e.

"Ang importante ngayon, yung work."

Nakapanayam si Derrick ng piling entertainment reporters pagkatapos ng presscon ng Beautiful Justice, sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, noong August 27.

NO KISS YET, JUST HOLDING HANDS

Kuwento pa ni Derrick, meron siyang idine-date na model na "tatlo o apat" na beses pa lang niyang kasamang lumabas.

Continue reading below ↓

Ito rin ang tinutukoy ng aktor na "foreigner" na madali niyang nakapalagayang-loob.

Ayaw muna niyang pangalanan kung sino dahil kinikilala pa raw niya ito.

"Date pa lang... Wala pang nagaganap. Kasi yung 'nagaganap' mo, alam ko yun, e.

"Holding hands lang, ganun!" natatawang komento ni Derrick.

Kahit sa next date nila ng hindi pinangalanang model ay hindi pa rin daw siya umaasang may mangyayari sa kanila.

"Siyempre respect din," aniya.

SEX AFTER MARRIAGE

Hindi naman daw sa pa-wholesome siya, pero nilinaw ni Derrick na marespeto at totoo siyang magmahal ng babae.

Paliwanag niya, "Yun ang sinasabi ko, natural nangyayari ang mga bagay-bagay.

"Okay lang kahit after kasal.

"Kasi nagkaroon na ako ng girlfriend na wala, e, walang nangyari."

Kung sakali ay faithful boyfriend daw siya at hindi maghahanap sa iba.

Dugtong ni Derrick, "Kasi importante sa akin yung values.

"Kung ayaw, e, di okay, basta mahal mo."

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derrick Monasterio says no sex in a relationship is non-issue for him: "Yun ang maganda sa akin, kaya ko kahit one year wala."
PHOTO/S: @derrickmonasterio Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results