Is Kyline Alcantara ready for a boyfriend now that she's 17?

by Glenn Regondola
Sep 4, 2019
Kyline Alcantara says she's too young to have a boyfriend: "I’m on the journey of loving myself, and I don’t want anyone distracting me dun sa goal ko. So, yun talaga muna ako naka-focus."
PHOTO/S: Noel Orsal

Nagdiwang ng kanyang 17th birthday ang Kapuso young actress na si Kyline Alcantara kahapon, September 3.

Kaalinsabay ng celebration ng kanyang birthday ay ang tanong kung puwede na siyang ligawan ngayon, at kung gusto na rin niyang magka-boyfriend.

Isang malaking tawa lang ang naging sagot ni Kyline nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanyang advance birthday dinner na ginanap sa Tribu Babaylan restaurant, sa may Quezon City, noong September 1, Linggo.

Pahayag niya, “Boyfriend? Naku po, masyado pa akong bata sa boyfriend!

“Yun nga po, katulad ng sinabi ko, I’m on the journey of loving myself, and I don’t want anyone distracting me dun sa goal ko.

“So, yun talaga muna ako naka-focus.”

Pero, in all honesty, meron bang nagpaparamdam sa kanya—in and out of showbiz?

“Oh, God! Charot!” tawa muli ni Kyline.

“In all honesty, merong iba, pero dahil bata pa nga po ako, sana ay naiintindihan po nila yun.

Continue reading below ↓

“Showbiz or non-showbiz? Secret.

“Hindi ko po alam.”

Paano ipinapaliwanag ni Kyline sa mga nagpaparamdam sa kanyang wala pa sa isipan niya ang magkaroon ng isang romantic relationship?

“Paano ko nga ba ini-explain sa kanila?

“Siguro, hind ko po ini-explain. Ipinaparamdam ko.

“Ipinapaintindi, ipinaparamdam by saying, ‘Oy, friend.’

“Masama pa yun? Ha! Ha! Ha!”

Paano yung talagang makukulit, na sa kabila nito ay gusto talagang manligaw sa kanya?

Sagot ni Kyline, “Wala na po. Wala na po ngayon.

“Wala na po ngayong nangungulit.

“I mean, I’m at peace.”

EXCITED TO FALL IN LOVE

Sa edad niya ngayong 17, excited na ba siyang magkaroon ng love life if given the chance?

Lalo na siguro kung hindi siya abala sa kanyang career—hosting stint sa StarStruck, Sunday Pinasaya, Studio 7, at sa magiging promo ng launching movie niyang Black Lipstick na malapit nang ipalabas.

Continue reading below ↓

Tugon ni Kyline, “As of now po, hindi pa naman po ako excited because, yun nga po, kumbaga, live for the moment.

“Hindi ko pa naman masyadong iniisip kung ano ang nasa future, or I’m stressing myself.

“Every time I make decisions, I’m always, like, ten steps ahead.

“Pero yung i-stress ko ang sarili… although sometimes, it’s good that you’re looking at your future. But, ngayon ho, try ko muna yung living at the moment.

“Chill lang po ako.”

Hindi ba siya naiinggit kapag nakakakita siya ng showbiz couples na sweet-sweet-an?

Reaksiyon ng 17-year-old actress, “Naku, marami po akong nakikita.

“Of course, let’s face the truth na mararanasan ko din po yun eventually in the future.

“But, we never know kung ano po yun. Hindi ko po alam,

“Kasi, ang nakikita ko, masasaya sila, in love sila, ganyan, ‘tapos may nagpapasaya sa kanila.

Continue reading below ↓

“Love is in the air. Ako po, support ko siya.

Sabi pa ni Kyline, “Ako lang po yung Pambansang Pang-asar.

“Puro lang ako pang-asar sa kanila.

“Halimbawa, nagkakahiyaan, ipu-push ko pa sila lalo. Kumbaga, pang-asar nga lang po ako.”

Kahapon, September 3, nagsagawa ng charity work si Kyline sa SOS Children's Village, sa Muntinlupa City, para ipagdiwang ang kanyang kaarawan.

Read Next
Read More Stories About
kyline alcantara
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kyline Alcantara says she's too young to have a boyfriend: "I’m on the journey of loving myself, and I don’t want anyone distracting me dun sa goal ko. So, yun talaga muna ako naka-focus."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results