Sharon Cuneta criticized for making her yayas wear uniform; Megastar answers

by Rachelle Siazon
Sep 4, 2019
Addressing critics, Sharon Cuneta says calling her house helpers "yaya" is not meant to degrade them.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram

Hindi pinalampas ni Sharon Cuneta ang pambabatikos ng ilang netizens sa ibinahagi nitong litrato kung saan nakasuot ng uniform ang dalawa niyang kasambahay habang kumakain sa isang restaurant.

Komento ng netizen, "Ang panget lang sa public na kasuot ng uniform ang mga yaya dapat walang uniform ang mga yaya."

Continue reading below ↓

May isa ring nagkomento na hindi magandang pakinggan ang pagtawag ng "yaya" sa isang kasambahay.

Depensa ni Sharon, hindi sukatan ang pagpapasuot niya ng uniporme o ang pagtawag ng "yaya" sa kanyang mga kasambahay sa kung paano niya tratuhin ang mga ito.

Karamihan daw sa mga nagtrabaho sa kanilang pamilya ay nagtatagal ng mahigit isang dekada, kaya kapamilya na rin ang turing ng Megastar sa mga ito.

"Maybe those who find it not nice that our yayas wear uniforms in public should meet them somehow and ask them how they are treated by me!"

Ipinaliwanag din ni Sharon na sa Pilipinas lang niya pinagsusuot ng uniform ang kanyang mga kasambahay.

Pero kapag namamasyal daw sila sa ibang bansa ay nakasuot ang mga ito ng casual wear.

Ang pagdala niya sa mga kasambahay sa kanyang mga bakasyon abroad ay ilan lamang umano sa perks na nae-enjoy ng kanyang mga yaya.

Dire-diretsong pahayag ni Sharon (published as is):

Continue reading below ↓

"I’m so sorry you think that way. I guess if I have to explain it to you pa, that means you won’t understand.

"When not in the Philippines - and I have taken one to four yayas abroad - and when I say abroad, I mean places like Hong Kong, Bangkok, Chiang Mai, and beach cities in Thailand, Ho Chi Minh in Vietnam, Tokyo, Osaka (including Universal Studios and Disneyland), Los Angeles, Las Vegas, San Francisco, New York, Boston, Washington D.C., Florida (including Disneyworld), Paris (including Disneyland), London, Milan, Rome, Florence, Vienna, Zurich, etc., etc. - they do not have to wear uniforms but whatever clothes they wear, and whatever shirts or jackets and souvenirs I buy for them, and the few hundred dollars EACH that I gift them with for their personal allowance to spend or to save - whatever they decide - and where they eat together with us the same food our family eats, free tickets to some of the best seats at Broadway shows in New York that even my management team envies, and where my Yayas are treated like family.

Continue reading below ↓

"Not a bad exchange for giving me and my family some decent representation in The Philippines, I think."

Halimbawa na lang daw ang "loyal driver" ni Sharon na mahigit 30 years nang naninilbihan sa kanilang pamilya.

"At pati pala ang loyal driver ko of 30 plus years na si Nelson whom I fondly call 'Dodong' - kasama siya sa lahat ng places na sinabi ko sa U.S. at Europe but not anywhere in Asia except yata when I had a concert in HK?

"Astig yan si 'Dudung' ko! Hahaha! Minsan pag mahal ang restaurant na kinakainan namin, niloloko ko sinasabi ko sa waiter sya ang magbabayad!"

Continue reading below ↓

Isang tagapagtanggol ni Sharon ang nagsabing "mas professional" ang dating ng yaya na nakasuot ng uniform kaysa "naka ordinary T-shirt lang."

Mas mako-conscious lang daw ang mga kasambahay, lalo na kung kaharap ang mga "sosyal" na mga kaibigan ng Megastar.

Sinang-ayunan ito ni Sharon.

"This is on point! Thank you for understanding and being broadminded."

Continue reading below ↓

sharon on using "Yaya" with affection

Nilinaw rin ni Sharon na walang masama sa pagtawag niya ng "yaya" sa mga kasambahay, lalo pa't may halong lambing kung makipag-usap daw siya sa mga ito.

May mga pagkakataon din daw na "kasambahay" ang tukoy niya sa kanyang yaya sa mga dati niyang Instagram posts kung saan nabanggit ang mga ito.

Continue reading below ↓

Naalala pa raw niya na "Wawie" kung tawagin niya ang isang yumaong kasambahay.

"Yayie" naman daw ang tawag niya sa kanyang "Yaya Hanzel" ngayon.

Continue reading below ↓

Siniguro rin ni Sharon na pati ang apat niyang anak na sina KC, Frankie, Miel, at Miguel ay maganda ang relasyon sa kanilang mga kasambahay.

"My children alternate between 'Yaya' and 'Ate' also.

"Miel before had a 'Nana' and Miguel now calls his 'Yaya' or 'Nana,' which is also what I call her sometimes.

"I also call her 'Yaya Happy' and another of our helpers/kasambahay 'Yaya Sunshine' kasi they are always happy when they greet me 'Good morning.'"

Continue reading below ↓

GOOD PAY FOR YAYAS?

Sa huli, nagpasalamat si Sharon sa iba pang netizens na nagtanggol sa kanya at nagsabing baka maayos namang magpasuweldo ang Megastar.

Kinumpirma naman ito ni Sharon.

Dagdag ni Sharon, mayroon siyang paboritong yaya na nakasama pa niya noon sa isang commercial—si Yaya Luring, na kilala ng mga taga-showbiz at fans ng Megastar.

Continue reading below ↓

Labis ngang dinamdam ni Sharon ang pagkamatay ni Yaya Luring noong December 2009 dahil sa cardiac arrest.

Read Next
Read More Stories About
Sharon Cuneta
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Addressing critics, Sharon Cuneta says calling her house helpers "yaya" is not meant to degrade them.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results