Marian Rivera happy about the success of Alden Richards, Kathryn Bernardo

by Arniel C. Serato
Sep 5, 2019
Marian Rivera on the success of Kathryn Bernardo and Alden Richards: "Alam mo, dapat ang tao, kapag ang isang tao ay nagiging successful at nasa taas, dapat gawin mong inspirasyon yun para ikaw din sa sarili mo, mangarap kang ganun."
PHOTO/S: Noel Orsal

Masaya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa magandang nangyayari sa career ng kapwa niya Kapusong si Alden Richards.

Si Alden ang isa sa prime talents ngayon ng GMA Network, matapos maging blockbuster ang pelikula nitong Hello, Love, Goodbye kasama ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Sabi ni Marian, “Alam mo, dapat ang tao, kapag ang isang tao ay nagiging successful at nasa taas, dapat gawin mong inspirasyon yun para ikaw din sa sarili mo, mangarap kang ganun.

“Kaya kung ano yung narating ni Alden, at saka ni Kath, sobrang happy ako para sa kanila kasi napakabait nung dalawa sa akin.”

Nagkasama sina Marian at Alden sa ilang proyekto sa GMA-7, kabilang na ang My Beloved (2012), Carmela (2014), at sa napapanood pa ring Sunday PinaSaya.

Si Kathryn naman ay minsang gumanap bilang batang Marian sa dating Kapuso teleserye na Endless Love (2010).

Puring-puri rin ni Marian ang kabaitan ni Kathryn kahit sikat na sikat na ito.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “And si Kathryn, napaka-sweet din kasi kahit parang nasa taas na siya, nung birthday ko, grineet pa din niya ako.

“Si Alden din naman, di nakalimot, nagpadala din ng flowers nung birthday ko.

"So, nakakatuwa yung ganung tao and sana tuluy-tuloy ang magiging success nila sa buhay.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Marian sa media conference para sa second anniversary ng hinu-host niyang drama anthology sa GMA-7, ang Tadhana.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center ngayong tanghali ng Huwebes, September 5.

TADHANA SECOND ANNIVERSARY SPECIAL

Ilang buwang hindi napanood si Marian sa Tadhana matapos siyang mag-maternity leave sa ikalawang anak nila ni Dingdong Dantes.

Noong lumiban si Marian sa palabas, pansamantala siyang pinalitan ng kanyang mister.

Isang buwan ang itatagal ng second anniversary special ng Tadhana, na may dalawang special presentations.

Sa September 7 at 14 episodes, mapapanood ang nakakakilabot na kuwento ng Ilocano OFWs (Overseas Filipino Workers) na nasangkot sa isang “gruesome web of murders” kasama ang kanilang employers sa Cyprus.

Continue reading below ↓

Ito ay pinamagatang "Serial Killer" kung saan tampok sina Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Analyn Barro, Lara Morena, at Rhian Ramos.

Ang pangalawang presentation naman na may pamagat na "CEO Maid" ay pagbibidahan ni Lovi Poe at ipalalabas sa September 21 at 28.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on the success of Kathryn Bernardo and Alden Richards: "Alam mo, dapat ang tao, kapag ang isang tao ay nagiging successful at nasa taas, dapat gawin mong inspirasyon yun para ikaw din sa sarili mo, mangarap kang ganun."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results