Alden Richards, nagkuwento ng experience niya kasama ang Korean Drama celebrities

by Rachelle Siazon
Sep 5, 2019
Akala raw ni Alden Richards ay parang "Face of the Night" award lang ang makukuha niya sa Seoul International Drama Awards. Laking gulat niya nang makita kung gaano ka-grandioso ang mismong event at ang celebrities na nagsi-attend.
Video: Rachelle Siazon.

Nagulat daw si Alden Richards nang makarating na siya for the first time sa Seoul, South Korea, para um-attend ng 2019 Seoul International Drama Awards.

Akala raw kasi niya ay invited lang siya para um-attend ng isang awards night at bibigyan ng "star prize" na parang "Face of the Night" award lang, bilang pag-acknowledge sa kanyang pag-attend.

Laking gulat daw niya nang makita kung gaano kagrandioso ang mismong event at mas nagulat kung gaano kahalaga ang Asian Star Prize Award.

Lima raw sila na galing sa iba't ibang bansa sa Asian Region na pinagpilian ng Seoul Drama Awards committee at Korean Broadcasting Association, at sa kanya nga ibinigay ang award.

Nakita rin ni Alden at nakahalubilo ang ilang Korean Drama stars.

Goal daw ni Alden na makagawa ng international projects at ultimate goal ang maka-penetrate sa Hollywood.

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Akala raw ni Alden Richards, parang "Face of the Night" award lang ang makukuha niya sa Seoul International Drama Awards.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results