Yves Flores describes how Gerald Anderson handled break-up controversy

by Arniel C. Serato
Sep 5, 2019
Yves Flores (left) on A Soldier's Heart co-star Gerald Anderson being involved in a controversy: "Siguro, natural lang naman siguro na maapektuhan yung tao, di ba? Siguro kahit ako naman, galit sa akin lahat ng tao, siyempre malulungkot talaga ako."
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @andersongeraldjr on Instagram

Taliwas sa akala ng marami, hindi naman daw matumal ang mga proyektong ginagawa ng Kapamilya actor na si Yves Flores.

Paliwanag ng Pinoy Big Brother: Teen Edition 4 ex-housemate, “Hindi lang kasi ako nakikita sa TV kasi after nung Hanggang Saan last year, after nung show na yun, may show na ako, e.

“Ginagawa na namin [noon hanggang] ngayon.

"Pero ang problema kasi, matagal na.

"Kaya hindi ako masyadong nakikita sa TV ngayon dahil maraming trainings kasi tungkol siya sa story ng sundalo, e.”

Ang tinutukoy ni Yves na proyekto ay ang teleseryeng A Soldier’s Heart na pinagbibidahan ni Gerald Anderson.

Dagdag pa niya, “So, ang tagal na naming hinihintay kasi ang daming problema.

“Ang daming problema sa AFP [Armed Forces of the Philippines], sa artista, sa cast, yung sa script kasi papalit-palit.”

GERALD'S CONTROVERSY

Naapektuhan ba ang taping nila dahil sa kinaharap na kontrobersiya ni Gerald kaugnay ng hiwalayan nila ni Bea Alonzo at ang pagkakasangkot sa pangalan ni Julia Barretto bilang third party?

Continue reading below ↓

Tugon ng 24-year-old actor, “Well, di ko rin masabi.

“Di rin naman siguro, pero dahil yun nga, wala pa kaming timeslot, natagalan.

"Kaya nga pansin naman ng mga tao na, ‘O, nasa'n ka na, nag-quit ka na ba or ano?’

“Hindi. Every year naman, sunud-sunod.

“Yun ngang this year nga, after nung show ko, gumawa pa ako ng pelikula, e, yung Block Z, which is na-move din.”

Naurong ang nakatakdang pagpapalabas ng nasabing pelikula nina Julia at Joshua Garcia dahil din sa kontrobersiya ni Gerald.

Ano ang masasabi ni Yves na controversial ang mga kasama niya sa dalawang proyekto—sina Gerald at Julia?

Saad niya, “Nagkataon pa nga na kasama ko yung dalawa.

“Pero masaya naman silang kasama.

“Okay naman, parang nagkikita-kita naman kami.

“Pero tungkol sa problem, sa controversy ngayon, parang wala.

“Hindi naman namin napag-uusapan, kasi alam mo na...”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yves sa press conference ng kinabibilangan niyang pelikula na Lola Igna ngayong Huwebes, September 5.

Continue reading below ↓

Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ng beteranang aktres na si Angie Ferro, kasama sina Meryll Soriano, Royce Cabrera, at Ma. Isabel Lopez, mula sa direksiyon ni Eduardo Roy Jr.

Kabilang ang Lola Igna sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019 at ipapalabas ito sa mga sinehan simula sa September 13.

Continue reading below ↓

ADVICE FOR GERALD

Sa kasagsagan ng kontrobersiya, sumabak si Yves at iba pang cast ng A Soldier’s Heart sa military training.

Ano ang napapansin niya kay Gerald sa training at taping nila para sa teleserye?

Ayon kay Yves, “Siguro, natural lang naman siguro na maapektuhan yung tao, di ba?

“Siguro kahit ako naman, galit sa akin lahat ng tao, siyempre malulungkot talaga ako.

“Ano lang, typical siguro, tahimik, nag-iisip.

“Pero hindi naman masyado, e.

"Wala, chill lang siya. Hinahayaan niya lang.

"Sabi rin naman namin sa kanya, ‘Lilipas din lang naman 'yan. Hayaan mo muna sigurong mag-ingay yung tao.’

"Pero okay na siguro.”

Tinanong ba nila si Gerald tungkol sa isyu?

Sagot ni Yves, “Well, nagtatanong kami, pero siyempre alam mo na, hinahayaan na lang namin.

"Private yun. Sa kanya na yun, ayaw na naming makialam kung ano man ang desisyon niya.”

Bukod kina Yves at Gerald, kasama rin sa A Soldier's Heart sina Nash Aguas, Elmo Magalona, Vin Abrenica, Angelo Ilagan, at Carlo Aquino.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Yves Flores (left) on A Soldier's Heart co-star Gerald Anderson being involved in a controversy: "Siguro, natural lang naman siguro na maapektuhan yung tao, di ba? Siguro kahit ako naman, galit sa akin lahat ng tao, siyempre malulungkot talaga ako."
PHOTO/S: Arniel Serato / Courtesy: @andersongeraldjr on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results