McCoy de Leon on friendship with Jameson Blake: "Walang makakasira dun."

by Jet Hitosis
Sep 6, 2019
McCoy de Leon (left) believes that his friendship with fellow Hashtags member Jameson Blake (right) remains the same even after the latter confirmed that he's currently dating McCoy's ex-girlfriend, Elisse Joson.
PHOTO/S: Noel Orsal

Kumpiyansa si McCoy de Leon sa tatag ng pagkakaibigan nila ng kapwa Hashtags member na si Jameson Blake.

Ito ay kahit pa kinumpirma kamakailan ni Jameson na nagde-date na sila ngayon ni Elisse Joson, ex-girlfriend ni McCoy.

Magkasama ngayon sina Jameson at McCoy sa pagpo-promote ng pelikulang G!, na kabilang sa official entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) 2019, at mapapanood sa September 13-19.

Bukod sa magkaibigan, tampok din sa pelikula sina Kira Balinger, Paolo Angeles, at Mark Oblea, sa direksiyon ni Dondon Santos.

MCCOY THANKFUL FOR G! MOVIE

Sa mediacon ng pelikula nitong Martes, September 3, sa Quezon City, sinabi ni McCoy na nakatulong ang G! para ma-realize nila ni Jameson kung gaano kalalim ang kanilang pagkakaibigan.

Sabi ni McCoy, “Thankful po ako sa palabas na ito, na kahit papaano, nabuksan yung isip at puso namin na magkaibigan pa rin kami."

Binigyang-diin pa ni McCoy tungkol sa kanilang friendship, “Walang makakasira dun.”

Continue reading below ↓

Sinegundahan naman ni Jameson ang kaibigan.

Aniya, “’Tsaka mahirap ding gawin yung movie kung may grudge kayo sa isa’t isa.

“So it’s better to take it maturely.”

Sa naunang interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong August, sinabi ni McCoy na wala silang naging problema ni Jameson tungkol sa pagiging malapit ng huli kay Elisse sa ngayon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Mahigpit lang ang bilin ni McCoy kay Jameson na huwag sasaktan si Elisse—at mahalagang ligawan daw ang ina ng dalaga.

JAMESON DATING ELISSE MONTHS AFTER BREAKUP WITH MCCOY

Sa mediacon nitong Martes, nilinaw rin ni Jameson na matagal nang nagtapos ang relasyon nina McCoy at Elisse nang magkamabutihan sila ng dalaga.

Kuwento ni Jameson, naging malapit sila sa isa’t isa ni Elisse sa set ng ABS-CBN teleserye na Ngayon at Kailanman.

“Nung nag-start yung Ngayon at Kailanman. Kasama ko siya… dun nag-start,” sabi ni Jameson.

“Lagi kaming nag-uusap," aniya pa.

Umere simula August 2018 hanggang January 2019 ang Ngayon at Kailanman, na pinagbidahan nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Continue reading below ↓

January ngayong taon din nang kumpirmahin nina McCoy at Elisse ang pagtatapos ng kanilang relasyon, sa kasagsagan ng pagpapalabas ng pelikula nilang Sakaling Maging Tayo.

Taong 2016 nang mabuo ang McLisse love team nina McCoy at Elisse bilang kapwa Pinoy Big Brother housemates, hanggang sa mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
McCoy de Leon (left) believes that his friendship with fellow Hashtags member Jameson Blake (right) remains the same even after the latter confirmed that he's currently dating McCoy's ex-girlfriend, Elisse Joson.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results