Vice Ganda takes offense at "a man will never be a woman" statement of Senator Tito Sotto

by Arniel C. Serato
Sep 5, 2019
Vice Ganda to Senate President Tito Sotto: "Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / GMA Network

Inalmahan ni Vice Ganda ang pahayag ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang sinumang ipinanganak na lalaki ay hindi kailanman magiging babae.

Nag-ugat ito sa komento ni Sotto sa kanyang pagkontra sa panukalang batas ni Senator Risa Hontiveros—ang Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.

Pahayag ng mambabatas pagkatapos ng Senate hearing kahapon, September 4:

“Women cannot be compared to a group like that because—I hate to say this but I have to—if you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce.

"You cannot give birth, you do not have ovaries.

“You will never be a woman.

"So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights."

VICE GANDA FIGHTS BACK

Sa Instagram ngayong gabi, September 5, tila galit na galit si Vice—na miyembro ng LGBTQIA+ (Lesbian Gay Bisexual Transgender Queer/Questioning Intersex Asexual) community—sa pahayag na ito ng senador.

Continue reading below ↓

Buwelta ni Vice kay Sotto sa kanyang post [published as is]:

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto???

“Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?

"E paano po yung mga nagkaroon ng matinding karamdaman at tinanggalan ng obaryo?

"Di na po ba sila BABAE?

"Wala na ba silang karapatang tawaging BABAE?

"O bumaba na ba ang uri ng kanilang PAGKAKABABAE?

"Paano din po yung mga baog at walang kakayahang magka-anak?

"Ano po sila? Di na din sila BABAE?

"Mga wala na ba silang kwentang mga BABAE?

"At paano naman po yung mga BABAENG choice nila na wag mag-anak dahil ayaw nila dahil sa kanilang mga personal na rason?

"Di na din ba sila matatawag na BABAE?

"Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay?

Continue reading below ↓

"Di na din sila BABAE? Ano na po sila?

"Paano din po yung mga BABAENG may obaryo pero wala pang anak dahil ayaw naman nilang magpatira kung kani kanino? Ano na sila?"

VICE: "THIS STATEMENT IS JUST NOT FAIR."

Kasunod nito, kinondena ng Its’ Showtime host ang pananaw ni Senator Sotto sa mga transgender.

Dagdag ni Vice [published as is]:

“Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE.

"Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire.

"Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE.

"At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE.

"Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE."

Sa huli, nanindigan si Vice na hindi patas ang pahayag ng Senate President.

Continue reading below ↓

Aniya: “Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto.

"Pero i believe this statement is just not fair.

"There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.”

Muling uminit ang usapin tungkol sa SOGIE Equality Bill dahil sa nangyaring kaguluhan sa bathroom ng isang mall sa Quezon City, kung saan hindi pinayagan ng janitress na si Chayra Ganal ang transgender woman na si Gretchen Diez na gumamit ng CR para sa mga babae.

Continue reading below ↓

Nabatikos din noon si Senator Sotto dahil sa kanyang suhestiyon na ang itawag na lamang sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community ay "homo sapiens."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda to Senate President Tito Sotto: "Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE."
PHOTO/S: Courtesy: @praybeytbenjamin on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results