Ysabel Ortega on speaking terms with father Sen. Lito Lapid; admits being closer to her stepdad

by Gorgy Rula
Sep 6, 2019
New Kapuso artist Ysabel Ortega on having two dads: “For me naman po, ang pagkakaroon ko ng dalawang dad… parang the more, the merrier. Hindi ko na po kailangan pa maghanap kasi it’s actually… more people in my life who are treating me like their own child. I’m very happy po.”
PHOTO/S: Noel Orsal

Kapuso na si Ysabel Ortega, anak ni Senator Lito Lapid sa dating aktres na si Michelle Ortega.

Kabilang siya sa drama series ni Alden Richards na The Gift, na magsisimula na sa September 16.

Nagkita na ba sila ng bagong halal uli na si Senator Lapid?

“Nag-usap po kami sa phone,” kaswal na sagot ni Ysabel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa mediacon nitong Setyembre 5, Huwebes, sa GMA Network Center.

“I told him po na nandito na po ako sa Kapuso network, and he’s very happy for me and supportive naman po siya.

“Sinabi niya na no matter what, he wishes me well sa career ko po.”

Nakuha ni Ysabel ang pagiging ma-PR ng magulang niya.

Saad ng dalaga, “Ang advice naman po sa akin ng Mama ko, is just to tell the truth and just to be honest.

"Kasi, I love my dad, and I’m very sincere about that and I’m always gonna support him.

Continue reading below ↓

“So, I don’t think na there’s anything na kailangan kong itago.

"Kasi to me, as long as alam ko na tatay ko yung tatay ko.

“Right now, nag-uusap na kami,” seryosong pahayag ni Ysabel, na sinabing tapos na yung mga tampuhan nila ng kanyang tunay na ama.

Hindi sila nagkikita dahil kare-reelect lang ng ama niya, kaya abala pa ito.

CLOSER TO HER STEPDAD

Inamin ni Ysabel na mas close siya sa kanyang stepdad na si Gen. Greg Pimentel, ang pinakasalan ng kanyang ina na si Michelle.

“Ever since I met my Daddy Greg, talagang feeling ko, nag-click na kami right away. Yung walang adjustment period, walang ilangan.

“I was very comfortable with him na and sobrang close kami hanggang ngayon.

“Siya po talaga ang faddy figure ko.

"I’m very happy, kasi siya ang napangasawa ni Mommy… someone who loves me talaga na parang anak niya talaga ako,” pahayag ni Ysabel.

Continue reading below ↓

Walang conflict sa dalawang ama ni Ysabel dahil alam ng Daddy Greg niya kung saan ilulugar ang sarili bilang ama.

“For me naman po, ang pagkakaroon ko ng dalawang dad… parang the more, the merrier.

“Hindi ko na po kailangan pa maghanap kasi it’s actually… more people in my life who are treating me like their own child. I’m very happy po,” sabi pa ni Ysabel.

Kaya medyo mahihirapan ang boys na pormahan siya dahil bukod sa Mama Michelle niya, may dalawang amang nakabantay sa kanya—isang heneral at isang senador.

“Dami pong bantay. Marami pong takot sa bago kong daddy!” natatawa niyang pahayag.

“May nagsasabi nga po na nakaka-intimidate po talaga.

“Pero I’m studying right now and, at the same time, I’m working… 'tapos yung school ko po na full time talaga, na I go to school every day. Yung hindi siya home school.

“So, wala rin po talagang time, itutulog ko na lang po,” saad pa ng 20-year-old Kapuso actress.

Continue reading below ↓

Choice ni Ysabel na huwag munang magka-boyfriend dahil bukod sa kanyang showbiz career, gusto niyang tapusin ang pag-aaral.

Kasalukuyan niyang pinag-aaralan ang kursong Bachelor of Arts and Political Economy sa University of Asia and the Pacific.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
New Kapuso artist Ysabel Ortega on having two dads: “For me naman po, ang pagkakaroon ko ng dalawang dad… parang the more, the merrier. Hindi ko na po kailangan pa maghanap kasi it’s actually… more people in my life who are treating me like their own child. I’m very happy po.”
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results