Jon Lucas on decision to transfer to GMA-7: "Marami akong kailangang buhayin."

by Bernie V. Franco
Sep 6, 2019
Jon Lucas says he still communicates with fellow Hashtags members: “Nung nag-post po ako na ako’y Kapuso na, ang pinakanaunang nag-comment, karamihan po sila. Halos top comments."
PHOTO/S: Noel Orsal

Lubos ang pasasalamat ni Jon Lucas sa pagkakasama niya sa upcoming Filipino adaptation ng Koreanovela hit na Descendants of the Sun ng GMA-7.

Pangungunahan ito ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Si Jon ay dating miyembro ng Hashtags, ang all-male group na regular na napapanood sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

Pumirma siya ng kontrata sa GMA Network noong June 2019.

“Masayang masaya po ako, kakalipat lang po natin, kaka-sign lang po natin sa GMA, binigyan po nila ako agad ng maganda at napakalaking proyekto.

“Wala pong mapaglagyan ang kaligayahan ko,” pahayag ng aktor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong September 5, Huwebes.

“Masaya ako dito.

“Lalo na mula nang nag-sign ako.

“Feel na feel ko talaga yung warm welcome ng mga Kapuso po natin—from management, co-actors, production.

“Okay po sila sa akin.”

JON ON GOING SOLO

Ikinumpara rin ni Jon ang pagso-solo at pagiging bahagi ng isang grupo.

Continue reading below ↓

“Pag solo po, feeling ko nakakapag-decide ka po kung ano yung mas gusto mong gawin.

“'Tapos masasabi mo sa kanila kung ano yung gusto mong tahaking path.

“Sa group naman, grupo kayo, hindi naman puwedeng basta hihiwalay ka.

“Hindi naman puwedeng gusto mo solo ka lang magtatagumpay.

“Pagka grupo kayo, lahat kayo okay… lahat kayo nagtatagumpay sa mga trabaho niyo po.”

Ano ang mga dahilan ni Jon sa desisyon niyang lumipat ng network?

Tugon niya, “Inisip ko na rin po, mas marami akong kailangang buhayin ngayon.

“Kailangan ko rin pong patunayan na meron pa rin po sigurong magagawa as an actor.

“Yun, yung baby...”

July 2018 nang aminin ni Jon na isa na siyang ama at kasal na siya sa It's Showtime dancer na si Shy Feras.

Bago lumipat sa GMA-7, nagsimula si Jon bilang Kapamilya artist.

”Nung matatapos na po yung contract ko with Star Magic, nag-iisip-isip na po ako noon baka mag-try naman ako ng bagong home, bagong tahanan, may bagong goal...”

Continue reading below ↓

Hindi pa rin daw nawawala ang komunikasyon niya sa Hashtags.

“Okay naman na yung friendship namin, yung relationship namin.

“Marami rin kaming pinagsamahan."

Ang Hashtags members daw ang naunang bumati kay Jon nang magdesisyon siyang lumipat.

“Feeling ko, kahit sila masayang-masaya po sila para sa akin.

“Nung nag-post po ako na ako’y Kapuso na, ang pinakanaunang nag-comment, karamihan po sila. Halos top comments.

“Lahat sila masaya." saad ni Jon.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jon Lucas says he still communicates with fellow Hashtags members: “Nung nag-post po ako na ako’y Kapuso na, ang pinakanaunang nag-comment, karamihan po sila. Halos top comments."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results