Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Is Tito Sotto cryptic post alluding to Vice Ganda?

by Justine Punzalan
Sep 7, 2019
Is Tito Sotto's latest cryptic post his indirect retort to Vice Ganda's scathing comments?
PHOTO/S: Vicente Tito Sotto on Facebook and @praybeytbenjamin on Instagram

Bagamat walang direktang pinatutungkulan, mainit na nagbigay ng suporta ang mga followers ng Instagram account ni Senador Vicente "Tito" Sotto III sa isang post nito kahapon, Biyernes, September 6.

Sabi sa post: "When people resort to personal attacks, it means they have lost the debate! (lol)"

Ang post na ito ay isang screenshot mula sa di umano'y Facebook account ng senador.

Continue reading below ↓

Para sa mga nagkomento sa Facebook post, sagot daw ito ng senador sa naging komento ni Vice Ganda ukol sa pahayag ng senador sa senate hearing noong September 4, 2019, na kumokontra sa pagpapasa ng Sexual Orientation and Gender Identity or Expression (SOGIE) Equality Bill.

Matatandaang sa Senate hearing noong September 4, 2019, naglabas si Sotto ng statement na nagsasabing, "Women cannot be compared to a group like that because—I hate to say this but I have to—if you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce.

"You cannot give birth, you do not have ovaries.

“You will never be a woman.

"So this, to me, the SOGIE bill is a bill against women’s rights."

Isang araw matapos ilabas ni Sotto ang nasabing opinyon sa SOGIE Bill, nag-upload naman si Vice ng larawan ni Sotto sa kanyang sariling Instagram account na may caption na pumupuna sa statement ng senador.

Continue reading below ↓

Ani ni Vice, "Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto???

“Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?"

Pagkatapos nito ay naglahad ang Kapamiliya star ng ilang sitwasyon kung saan hindi maaring magbuntis ang isang babae gaya ng, "Paano din po yung mga BABAE na may obaryo pero pinayuhang wag magbuntis dahil sa medikal na kondisyon at maaring mameligro ang kanilang buhay?

"Di na din sila BABAE? Ano na po sila?"

Sa dulo ay sinabi niya, "Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto.

"Pero i believe this statement is just not fair.

"There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS.”

Continue reading below ↓

Base sa orihinal na Facebook post na di umano'y laban sa It's Showtime host, may iilang sang-ayon sa pinaglalaban ni Sotto.

Sabi ng isa, "Exactly! Oh ayan Vice Ganda ano naman ang ipopost mo sa IG?"

May isa namang walang pakundangang sinabing, "Wrong context po yan si Vice Ganda. Wrong interpretation."

Continue reading below ↓

Mayroon din namang hindi sumang-ayon sa paggamit ni Sotto ng topic na "reproduction" sa pagtalakay niya sa SOGIE Bill.

Sabi ng netizen, hindi lamang daw ito ang nasasaklawan ng pinipetisyong batas.

Continue reading below ↓

May ilan ding kinonekta ito sa transgender woman na si Gretchen Diaz na siyang nagpainit muli ng petisyon para sa SOGIE Bill sa Senado.

Matatandaang si Gretchen ay nag-file ng kaso noong August 16, 2019 laban sa isang mall sa Quezon City kung saan pinosasan at idinitene siya matapos sitahin ng mga janitress dahil sa pagpasok sa pangbabaeng comfort room.

Sabi ng isang netizen, "Mga Sundalong Tunay na Babae pinaglalaban ang Bayang Pilipinas, si Gregorio Martin Diaz Aka Gretchen Diez ang pinaglaban ay banyo ng babae."

Continue reading below ↓

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Is Tito Sotto's latest cryptic post his indirect retort to Vice Ganda's scathing comments?
PHOTO/S: Vicente Tito Sotto on Facebook and @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results